Chapter 2 - Rain

1.8K 74 27
                                    

Nagmamadali akong tumakbo papasok ng mataas na building ng Southview Residences, natatakot na mas mabasa pa ng ulan. Kung bakit ba kasi palagi kong nakakalimutan magdala ng payong.

"Ma'am Lia! Nagpa-ulan ka na naman! Magkakasakit ka niyan," pabirong bati ni Claire, ang receptionist sa lobby ng building.

"Immune na ako Claire!" nakangiti kong sagot sa kaniya kasabay ng mabilis kong paglalakad papuntang elevator. Maagap din namang pinindot ni Mang Ed ang 'up button' sa elevator.

"Thank you, Mang Ed!" I said, smiling at the building's security guard.

Naririnig ko ang mga patak ng tubig-ulan galing sa damit ko sa sahig ng elevator.

Ilalagay ko na talaga 'yong payong ko sa bag ko, and I will never remove it.

I reminded myself that, before squeezing my wet, long hair.

I don't hate the rain. I actually like it... it calms me. Mas masarap ang tulog ko sa mga gabing maulan. Mas masaya rin ako kapag umuulan dahil mas maraming customers ang café. Hassle lang talaga kapag ganito, uuwi akong basang-basa.

Wala pa si Andrew sa condo niya pagdating ko. Umapak ako sa doormat at nagmamadaling ibinaba ang bag ko sa coffee table, nag-iingat na hindi matuluan ng tubig-ulan ang bagong linis na sahig ng sala.

If I make a run papunta sa kuwarto ko para mag-shower at magbihis, siguradong kakalat ang tubig sa sahig. I don't have the energy to clean the floor anymore. Gutom na ako at pagod na rin sa maghapong trabaho sa café.

Okay then, sa common bathroom na lang ako mag sha-shower.

Two-bedroom unit ang condo ni Andrew. Iyong master's bedroom ang tinutulugan ko na may sariling toilet and bath at iyong sa kaniya naman ang wala, kaya siya lang ang gumagamit ng common bathroom.

Halos buong araw din yata naming pinagtalunan kung sino ang matutulog sa masters. Ayokong pumayag dahil unit niya 'to at makikitira lang ako, pero sabi niya ako 'yong mas may kailangan ng privacy at dapat may sariling bathroom dahil ako 'yong babae.

Green flag. Just like how Steph described him.

Mabilisan akong nag-shampoo at nagsabon, kinakabahan akong baka biglang dumating ang asawa ko at malaman niyang ginamit ko ang banyo niya. Pero habang binabanlawan ko ang mga sabon sa katawan ko, paulit-ulit ko namang naaalala ang eksena sa café kanina. Ngayon ko lang yata naipakilala ang sarili ko bilang asawa ni Andrew.

Ano bang sumapi sa akin kanina?

Nahuli ko ang sariling nakangisi. I sucked the walls of my cheek to stop myself from smiling. Bumuntong-hininga ako at saka piniga ang basa kong buhok. Kinapa ko ang loob ng cabinet sa taas ng lababo.

"W-What?  Bakit walang extra towel dito?!" nagpapanic kong tanong sa sarili.

"Fudge!"

Hindi ako puwedeng lumabas nang ganito, paano kung biglang dumating si Andrew? I can't. I just can't. Pilit kong sinilip ang top shelf ng cabinet. Tumingkayad pa ako nang kaunti, nagbabakasaling baka may puwedeng itakip sa katawan ko na kahit ano. Anything please.

Agad kong kinuha ang nakatuping gray t-shirt. Mukhang bagong laba at siguro'y pampalit ito ni Andrew pagkagaling sa trabaho. Inamoy ko muna ang t-shirt bago ko ito isinuot. Amoy fabric conditioner at amoy Andrew.

Bahagya akong napangiti nang maalala ang mukha ni Andrew kanina sa café habang ipinapakilala ang sarili ko kay Diana bilang asawa niya.

"Gosh, Lia! Stop!" saway ko sa sarili. Pilit kong pinipigilan ang kung anumang emosyong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Paper PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon