Chapter 13 - New

1.2K 36 25
                                    

Gumising sa akin ang amoy ng sinangag na niluluto ni Andrew sa kusina. Nag-unat ako ng mga braso at marahang bumangon sa kama. The sleeves of his shirt slowly brush through my shoulders. Oo nga pala, I'm wearing his shirt dahil pinunit niya ang pantulog ko kagabi. Napangiti na lang ako nang maalala 'yon at napahawak saglit sa mga labi ko.

"Good morning, baby!" malambing na bati sa akin ng asawa ko pagpasok ko sa bukana ng kusina.

"Good morning!" I responded as I dashed towards him. Hahagkan ko sana siya, pero isang mabilis na halik sa pisngi ko galing sa kaniya ang nagpahinto sa mga braso ko.

Nakahain na sa lamesa ang almusal; sinangag, vegetable omelette, tapa, at mainit na kape. Lahat ng 'yon ay si Andrew ang nag-prepare. This is new, may kape na. Dati, hindi niya ako pinagtitimpla ng kape.

"Can we, at least, tell Dad about... Tito Rod?" seryosong tanong ko habang hinahalo ang kapeng tinimpla ni Andrew.

"We can't do that, Aliyah," kontra niya, na ikina-buntong-hininga ko na lang.

"You know your dad. Kapag nalaman niya ang tungkol kay Tito Rod, he will surely do something. And I can't let that happen... baka masira ang plano ko." His deep brown eyes were serious. Akala ko hindi ko na ulit makikita na gano'n ka-seryoso ang mga mata niya. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ko.

"P-Plano?" wala sa sarili kong bulong.

"Kailan mo pa nalaman na si Tito Rod ang—" Binitawan niya ang hawak niyang tinidor at hinawakan ang kamay ko.

He stared at me. "Please, baby, I will tell you everything... soon. Just... trust me, okay?" he said before placing a soft kiss on my hand.

"I'm just scared, Andrew. Pa'no kung may mangyaring masama sa 'yo dahil diyan sa ginagawa mo?" mahinang sagot ko, habang pilit na inaalis ang panginginig ng boses ko. Marahan naman siyang tumayo at naglakad papunta sa likod ng upuan ko.

"Hey... come here," malambing niyang bulong.

Tumayo ako at humarap sa kaniya. Maingat niyang hinigit ang mga braso ko para iyakap sa katawan niya. Iniyapos niya rin sa akin ang mga bisig niya. I could feel his comforting warmth. Nararamdaman ko rin ang mabilis na kabog ng dibdib niya hanggang sa unti-unting bumagal iyon.

"I'll be fine, Aliyah. You don't have to worry about me," he whispered, kissing the top of my hair.

Inangat ko ang ulo ko at tinitigan ang mukha niya. Bakas ko ang pagluluksa sa mga mata niya. Kahit na pinipilit niyang itago iyon sa mga nakangiti niyang labi, alam kong masakit para sa kaniyang malaman na ang sarili niyang tiyuhin ang nagpapatay sa ama niya. He even hated Santiago for it, turns out he's a victim too.

"I'm sorry if wala akong maitulong sa 'yo, Andrew. I can't imagine your pain right now. Hindi ko akalaing kayang gawin ni Tito Rod 'yon sa daddy mo.... at sa Daddy ko," hindi ko na napigilan pa ang panginginig ng boses ko. Nag-uumpisa na ring manubig ang mga mata ko.

He smiled wryly at me.

"You're doing more than just helping, Aliyah. You're keeping me alive."

Biglang pumayapa ang nagwawala kong puso dahil sa sinabi niya.

How can I ever doubt this man? How can I ever doubt this kind of love?

"I failed to save my father, pero hindi ko hahayaang mangyari 'yon sa pamilya mo, Aliyah... sa pamilya natin." His jaw clenched.

"I will put Tito Rod behind bars," he continued.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko at mas lalong humigpit ang yakap ko sa asawa ko. Hindi ko alam pero tuwing maririnig ko sa kaniya ang salitang pamilya, nagagalak ang puso ko. Pero ngayon ay may halong takot na rin. Nagsisimula pa lang kami ni Andrew. Isang bagong pamilya... at ayokong mawala ito sa akin. Natatakot akong mawala ito sa akin.

Paper PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon