Hinihingal akong umupo sa passenger seat ng kotse ni Steph, habang siya naman ay panay pa rin ang tawa na may kasama pang paghampas sa manibela. Hindi namin inaakalang matatakasan namin sila Morgan at Jam na naiwan naming nakabusangot sa elevator ng ospital. Kailangang mapuntahan namin si Andrew bago pa maunang makarating si Marcus sa kaniya. Sigurado akong magkakagulo kapag naunahan kami ni Marcus.
"Wait, Steph. Alam ba nila Jam na buntis ako?" nag-aalalang tanong ko.
Gusto kong ako ang magbalita kay Daddy na magkaka-apo na siya. I'm sure he will be so happy, and I wanted to witness that in person.
"Hindi, don't worry. Kami pa lang ni Marcus ang may alam," sagot ni Steph, sabay mabilis niyang inaapakan ang gas.
"Buti naman. I want to tell Dad in person. I'll tell him next. Kaming dalawa ni Andrew ang pupunta sa kaniya," nakangiting sabi ko.
Walang mapaglagyan ang saya ko habang hinihimas ang tiyan ko. Hindi na talaga ako mag-iisa kahit kailan. May baby na kami ni Andrew. Magiging isang pamilya na talaga kami. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya? Will he really be happy kagaya ng sinabi niya sa Zambales? Iiyak kaya siya?
"Nasa'n ba 'yong asawa mo, Li?" kunot-noong tanong ni Steph habang nagmamaneho.
"Kanina... last update niya sa'kin nasa Sta. Rosa raw sila. Katatapos lang daw ng meeting nila with the client," sagot ko habang tina-type ang number ni Marcus sa cellphone ko.
"Sta. Rosa? Laguna?"
Tumango lang ako. Hati ang atensyon kay Steph at sa cellphone ko. Nakadalawang tawag na ako kay Marcus, pero puro unattended naman.
"Gabi na tayo makakarating do'n, for sure... saan ba exactly sa Sta. Rosa?"
Narinig ko ang tanong ni Steph pero hindi ako sumagot. I need to contact Marcus. Baka masuntok na naman siya ng asawa ko kapag nagkataon. Ayokong mag-away pa silang magpinsan dahil sa akin.
"Li! Sino ba 'yang tinatawagan mo?" naiinis na tanong ni Steph.
"Ah... si Marcus."
Bumuntong-hininga si Steph. "Alam mo, hindi 'yon sasagot... Saka pwede ba? 'Wag mo stresin ang sarili mo riyan! Remember, sabi ni doktora, bawal ang stress," paalala niya sa akin.
"Okay, ninang... hindi na po magpapa-stress." I smiled at her.
"Very good!" I saw her bite her lips slowly. "S-Si Leo na lang kontakin mo, ask him their exact location."
My brows furrowed. Kailan pa nakilala ni Steph si Leo?
"Y-You know Leo?" I slowly asked.
"Oo! No'ng nasa Zambales kayo madalas natambay sa Café Amor 'yon! Utos daw ni Andrew na silipin kami do'n."
I texted Leo and he replied immediately. Malakas kong binasa ang reply ni Leo para marinig na rin ni Steph.
'OTW sa munisipyo si Andrew, may meeting pa sila ni Samuel... nauna na ako sa hotel. Najejebs na kasi ako'
Natawa kami pareho ni Steph doon. Sobrang opposite talaga si Leo at Andrew, parang kami rin ni Steph.
***
Lagpas ala-sais na kami nakarating sa munisipyo ng Sta. Rosa. Maraming empleyado sa labas ang nag-aabang ng masasakyang jeep pauwi sa kani-kanila nilang tahanan. Nakita ko ang SUV ni Andrew na naka-park sa tapat ng munisipyo. Biglang nagtambol ang puso ko. This is it, Lia, wala nang atrasan. Huminga ako nang malalim at saka marahang bumaba ng sasakyan.
"Do I look okay, Steph?" Hindi ko alam bakit sobrang conscious ako sa itsura ko. Habambuhay tatatak kay Andrew ang gabing ito... of how I told him about our first child. I wanted this to be perfect.
BINABASA MO ANG
Paper Promises
RomantiekCOMPLETED [Café Amor Series #1] One night. The world of hotelier heiress Aliyah turned upside down, driving her straight into the arms of her father's architect, Andrew. What began as a quest for solace spiraled into a paper-bound marriage. Two yea...