Huminto kami sa tapat ng maliit na lomihan nila Mang Fred. Kabuwanan ko na pero hindi ko alam kung bakit parang hindi pa rin ako tapos maglihi. Gustong-gusto ko kumain ng lomi, kung puwede nga lang pati ang kapeng barako nila Mang Fred ay iinumin ko na rin.
Kagaya ng palaging ginagawa ni Andrew, pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Careful, baby," malambing niyang paalala. Nahihirapan na akong tumayo at hinihingal na rin ako kapag matagal naglalakad. Kahit nga hindi matagal naglalakad, kahit ilang hakbang lang, hinihingal na agad ako!
"Aba naman! Mabuti at napasyal kayo dine!" magiliw na bati ni Mang Fred nang makalapit kami sa bukana ng lomihan niya.
"Ka-laki na niyan, Aliyah ah!" nakangiting sabi niya kasabay ng pagsulyap sa tiyan ko.
"Kabuwanan na po ni misis," magalang na sagot ni Andrew na mas lalong nagpalaki sa ngiti ng matanda.
"Galing po kami sa beach house, birthday po kasi ni Andrew ngayon," dagdag ko.
"Ganoon ba?! Happy birthday, Andrew! Gusto mo ba ng kalderetang kambing, ipapaluto ko?" alok ni Mang Fred. Medyo natakam ako ah?
"Naku, hindi na po, Mang Fred. Lomi lang ang sinadya namin... hindi pa rin po kasi tapos maglihi si misis," natatawang sagot ni Andrew.
Doon ulit kami umupo sa dati naming pinuwestuhan noong unang beses kaming pumunta rito sa lomihan. 'Yong gabi na hinalikan ako ni Andrew sa beach house. 'Yong gabi na unang beses niyang sinabi na mahal niya ako. Napangiti ako nang bigla kong maalala lahat ng 'yon.
"Libre ko na ito, Andrew. Huwag na huwag kang maglalabas ng pera. Ito'y regalo ko na at birthday mo pala e!" sabi ni Mang Fred habang inilalagay sa lamesa namin ang dalawang order ng lomi.
"Thank you po!" magiliw namang tugon ng asawa ko.
"Mainit pa, Aliyah... hipan ko muna," malambing na sabi ni Andrew sa akin habang pinipigaan niya ng calamansi ang lomi ko.
"Ha? Ako na, kaya ko naman hipan." OA na rati si Andrew, pero mas naging OA pa siya simula no'ng kinasal kami. Halos ayaw na akong pagtrabahuhin at pakilusin sa condo. Bumalik kami sa dating condo niya kung saan kami nag-umpisa.
Paminsan-minsan ay nasa Café Amor ako, pero madalas ay nasa AHG. I continued my father's legacy as the CEO. Si Steph na ang naging main proprietor ng café and we hired additional staff to help her out.
Life has been good so far. Walang problema, walang sikreto, walang kahit na ano'ng gumugulo sa isipan. Kung meron man akong iniisip ngayon ay kung makakaya ko bang i-ire ang panganay namin ni Andrew.
Biglang humilab ang tiyan ko nang sumagi 'yon sa isip ko. Napakapit ako bigla sa gilid ng lamesa.
"Baby, are you okay?" nag-aalalang tanong ng asawa ko.
"Y-Yes okay lang ako," sagot ko, at saka ako humigop ng sabaw. Baka gutom lang si baby. Hinimas ko ang tiyan ko. Naramdaman kong bahagyang nawala ang sakit. Gutom lang talaga siguro siya.
Aabutin ko pa sana ang baso ng tubig, pero napahinto ako, biglang nalukot ang mukha ko. Muli na naman kasing humilab ang tiyan ko. Shocks! Hindi na lang yata gutom 'to!
"Aliyah? Okay ka lang ba talaga?"
Yumuko ang asawa ko para tignan ang mukha ko na pilit kong itinatago sa kaniya. Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil mas tumindi pa ang sakit ng tiyan ko. Nag le-labor na ba ako?
"Phone... Andrew. C-Can you get my phone? Naiwan ko sa sasakyan," mabagal kong usal. Pinipilit kong itago ang sakit na nararamdaman ko. I don't want him to panic. An OA Andrew panicking is not a good idea—especially now.
BINABASA MO ANG
Paper Promises
RomanceCOMPLETED [Café Amor Series #1] One night. The world of hotelier heiress Aliyah turned upside down, driving her straight into the arms of her father's architect, Andrew. What began as a quest for solace spiraled into a paper-bound marriage. Two yea...