81-100

14 0 0
                                    

Chapter 81

ARABELLA

Gulat naman akong napatitig kay Kurt. Hindi ako makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig nito. Ano kaya ang nakain ng lokong ito at basta na lang nagagalit sa akin. May nagawa na naman ba akong hindi nito nagustuhan? Aba naman masyado na itong namumuro sa akin ah?

"Uyy ano bang kinakagalit mo diyan? For the record dapat nga matuwa ka pa dahil nilubayan na kita eh. Alam mo hindi kita maintindihan. Ikaw itong halos isumpa itong kagandahan ko noon. Bakit kung umasta ka ngayun para tayong may magandang pinagsamahan noon. Ano ba kita?" naaasar kong sagot dito.

Napasabunot naman ito. Pagkatapos ay matiim ako nitong tinitigan.

Tumalikod pa sa akin na parang nag-

lisp ng sasabihin.

"Bakit ba kasi hindi mo sinasagot ang tawag ko? Naka-blocked pa ako sa messenger mo." Inis na tanong nito.

"Hindi kita feel kausap kaya ganoon. Tsaka hindi naman siguro big deal ang bagay na iyun diba? Kurt, tapos na ang lahat sa atin. Nangako na ako sa sarili ko na hindi na kita kukulitin." sagot ko dito.

"Sa nag-aalala nga ako sa iyo!. Hindi ka mawala sa isip ko simula ng hindi natuloy ang kasal natin. Hindi ko alam pero sobra mo akong pinag-alala Bella!. sagot naman nito.

"Ok fine...Pasensya na....Hindi na mauulit ang lahat ng katangahan na ginawa ko noon. Pasensya na talaga Kurt. Masyadong makulit lang talaga ako noon. Siguro dala ng pagiging brat kaya nangyari iyun." sagot ko dito, Pinilit ko pang ngumiti. Tinitigan

naman ako nito.

"Ituloy natin ang kasal natin.." sagot nito. Natigilan naman ako. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Tama ba ang narinig ko? GUsto nitong Ituloy ang kasal namin?"

"TEka! Teka.! Teka....! TAma ba iyang narinig ko? Gusto mo ng ituloy ang kasal natin?" takang-taka kong sagot dito. Naguguluhan pa ako. Bakit niya naman nasabi ang bagay na iyun?

"yes Bella. TAma ang narinig mo. Ituloy na natin ang naudlot natin na kasal. Payag na akong maging asawa ka. "sagot nito. Napaismid naman ako ng makabawi sa pagkabigla. Kung ganoon tama ang narinig ko sa lokong ito. Gusto niya talagang magpakasal kami? Bakit?

"Kurt magsabi ka nga ng totoo sa akin..... Nakadrugs ka ba? Naku huwag mo akong pinagbibiro ng ganiyan dahil

hindi kita papatulan." sagot ko naman dito.

"Seryoso ako Bella. Ituloy na natin ang kasal natin. Total naman nakahanda na ang lahat. Yung mga damit na isusuot natin nandyan pa naman. Nakaready na ang lahat. Tayo na lang ang hinihintay para matuloy na. Diba ito naman ang gusto mo? Ang maging asawa ko?" seryosong sagot nito. Napabuntong hininga ako at sumulyap sa kinaroroonan nila Ate. Abala pa rin ang mga ito sa pagkakantahan.

"Well, Pa--Pasensya ka na sa abala na binigay ko sa iyo Kurt noon. Sa inyo ng pamilya mo. Siguro nga masyado lang akong nagiging childish. Hindi ako nag -iisip kung ano ang magiging kinabukasan ko kapag mag-asawa ako ng maaga." sagot ko dito.

"So, payag ka na ba na ituloy na natin ang naudlot nating kasalan? Sasabihin ko na ba kila Tita at Tito? Huwag kang

mag-alala may contacts pa rin naman ako sa mga organizers at simbahan." bakas ang excited sa boses habang sinasabi ang katagang iyun. Napataas naman ang aking kilay.

"Kurt please! Hindi ko alam kung ano ang nakain mo. Kung bakit pinu- pursue mo na ituloy natin ang kasal. Look, alam kong kasalanan ko ang lahat. Nahihiya nga ako sa iyo at sa mga magulang mo eh. Pero mas mabuti na din ang ganito. Sorry, wala na akong plano pang magpakasal sa iyo. Isipin mo na lang na isang

TBTLWhere stories live. Discover now