201-220

6 0 0
                                    

Chapter 201

VERONICA POV

Agad kaming nagkatinginan ni Elijah ng mapansin namin na mukhang mainit na naman ang ulo ni Sir Rafael. Kakarating nga lang nya at kung anu- anong paratang na naman ang lumalabas sa bibig.

Nagliligawan kaagad? Hindi ba pwedeng nag-uusap lang kami ng pamangkin nya.

"Uncle naman, selos ko naman kaagad eh. Nag-uusap lang kami ni Veronica. Halos dalawang araw din kaming hindi nagkita kaya nagkumustahan kami ngayun." paliwanag ni Elijah. Lalo naman nagkasalubong ang kilay ni Sir Rafael. Hindi ito kumbinsido sa sinasabi ng pamangkin.

"Tsaka ano naman ang masama kung nag-uusap kami?" hindi ko naman mapigilang sabat. Bumalik ang tingin nito sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan. ibang iba kasi ang titig nito ngayun. Matatalim at may halong galit.

"Go back to your room! Talk to you later!" maawturidad nitong wika. Bigla naman akong natameme. Hindi naman ako ganun ka-shunga para hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin. Ilang beses nya ng ginamit sa akin ang salitang 'go back to your room' Palaging lumalabas sa bibig nito kapag mainit ang kanyang ulo.

"Uncle naman! wala ka namang dapat ikagalit eh. Promise, nag-uusap lang kami ni Veronica. Tinatanong ko lang naman sa kanya kung may boyfriend na

--" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Elijah ng muling sumabat si Sir Rafael. Sa pagkakataon na ito mataas na ang tono ng kanyang boses. Hindi ko naman maintindihan kung bakit nagkakaganito siya. Kakarating lang eh naghasik kaagad ng init ng ulo.

Pati kami ni Elijah na nag-uusap lang napagbuntunan pa.

"Hindi ikaw ang kinakaup ko Elijah! Veronica, I said pumunta ka na ng kwarto mo! Gabi na at may pag- uusapan lang kaming dalawa ni Elijah! "mainit ang ulong muling wika nito. Wala naman akong magawa kundi sundin ang gusto nito. Mukhang may nakagalit si Sir Rafael sa labas at hanggang dito sa mansion dala-dala nya pa rin iyun at sa kasamaang palad kami pa ang napagbununan ni Elijah.

Hayysst kung alam ko lang na matitikman ko na naman ang init ng ulo ni Sir Rafael ngayun buti pa na nagkulong na lang ako ng kwarto pagkatapos namin kumain ng dinner. Mukhang masisira na naman ang buong gabi ko dahil sa kanya.

"Sige Nica.....bukas na lang ulit tayo mag usap. Panira si Uncle eh." wika pa ni Elijah sa akin bago tuluyan akong tumalikod. Hind nakaligtas sa paningin ang matalim na titig ni pinukol ni Sir Rafael sa kanyang pamangkin. Ano ang problema nya?

Imbes na matutuwa ako dahil maghapon ko siyang hinintay, napalitan tuloy iyun ng inis. Dinadaan sa init ng ulo lahat. Akala mo kung makasigaw tao-tauhan lang kami sa mansion na ito.

Pwede naman sana kaming kausapin ng maayos! Hayyy ang hirap magkaroon ng amo na may tupak. Mahirap ispelingin.

Hindi ko talaga sya papansinin simula ngayun. liwasan ko na talaga iyang si Sir Rafael. Baka mahawa pa ako sa pagiging praning nya eh. Mahirap matantiya ang napakasama nyang ugali

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay agad kong isinara ang pintuan. Ini-lock ko pa para walang sino man ang pwedeng makapasok. Lalo na ang Rafael na iyan! Naiinis talaga ako sa kanya

Muling dumako ang tingin ko sa mga bulaklak. Fresh pa rin iyun dahil nailagay ko na sa flower vase kanina. Nasa tabi nito ang isang box ng chocolates. Nilapitan ko iyun at kinuha.

Wala pa naman sana akong balak kainin ang chocolate na ito. Maganda ang box at may nakasulat na LE CHOCOLATES Ngayun lang ako nakakita ng ganitong klaseng chocolates at mukhang mamahalin. Gusto ko sanang itago hangat ma- expired at gawing souvenir. Nanghihinayang kasi akong kainin dahil marami namang chocolates sa kusina at isa pa galing ito kay Sir Rafael. Gusto kong pahalagahan lahat ng bigay nya. Kahit na nagsusungit palagi nagagawa pa din nitong magbigay sa akin ng mga regalo..

TBTLWhere stories live. Discover now