Chapter 141
CARMELA POV
Tahimik akong nakatanaw sa mga nagkikislapang Christmas light. Ang akala kong masayang bakasyon kasama ang aking pamilya mukhang mauuwi sa pag-iisa. Malungkot akong napangiti at hindi napigilan ang pag- agos ng luha sa aking mga mata.
Nagdesisyon na ako at hindi ko na dapat pang balikan. Alam kong masyadong masakit para sa kanila ang nagiging desisyon ko pero ano ba ang tama? Naumpisahan ko na ang totoong laban ng buhay at ayaw ko ng talikuran pa iyun.
Hindi ko pweden basta na lang talikuran ang sinumpaan kong tungkulin sa bayan. Kung basta na lang ako aalis, paano naman ang mga taong posible ko pang matulungan para iligtas sila sa kapahamakan at sumpa ng kaguluhan?
Ipinikit ko ang mga mata ko at agad napumasok sa balintataw ko ang mukha
ng mga tao sa bundok na aming
natulungan. Mga batang pinilit namin
turuan na makapagbasa kahit simpleng
alphabet at numbers. Kapag wala kami
sa digmaan ibinabaling namin ang
aming attention na maturuan na
magbasa at magsulat ang mga maliliit
na kumunidad na hindi man lang
pinalad na makaapak ng iskwelahan.
Hindi sa lahat ng oras baril ang aming
hawak
Marami pang mga taong ililigtas namin mula sa malulupit na reblede at mapasamantalang tao. Hindi pwedeng tumigil ako. Marami pang misyon na nakaatang sa aking balikat at hindi ko iyun pwedeng ipagpalit para sa sarili kong kaligayahan.
Marahil iniisip nila na makasarili ako. Tatangapin ko iyun...masakit lumayo sa lalaking mahal ko pero mas masakit isipin na tatalikuran ko ang mga taong pwede ko pang matulungan. Mga taong pwede namin mailigtas mula sa kalupitan ng mga rebelde. Mga inostenteng bata na walang kalaban- laban at maagang namamatay dahil sa pagamit sa kanila ng mga taong halang ang kaluluwa at walang ibang inisip kundi ang sarili nilang kapakanan.
Papatay pa ako ng maraming masasamang tao. Iaalay ko ang buhay ko sa serbisyong pinili ko. Mas magiging matapang pa ako dahil wala ng naghihintay na pamilya sa akin. Tuluyan na nila akong tinakwil dahil hindi nila ako naiintindihan. Hindi nila kayang tanggapin kung ano ang ipinaglalaban ko.
Oo lumaki ako sa karangyaan. Pero hindi iyun naging sapat para sumaya ako. Simula ng pumasok ako sa military doon ko nakita ang totoong hamon ng buhay. Kailangan nila ako.
Kailangan kong pagsilbihan ang bayan ko!Tinungga ko ang hawak kong beer. Agad na gumuhit ang pait sa aking lalamunan at malamlam ang mga matang nakatanaw sa kawalan. Muling lumitaw sa balintataw ko ang malungkot na mukha ni Christian. Malungkot akong napangiti at muling tinungga ang beer.
"Merry Christmas!" bulong ko at tiningnan ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas dose na ng hating gabi. Ika 25 na ng December. Ako lang yata ang hindi masaya. Ako lang yata ang nag-iisa. Ito ang pinaka-malungkot na pasko ng buhay ko. Imbes na kasama ko sila heto ako, malungkot at nag-iisa.
Hindi ko na tatapusin ang leave ko. Bukas na bukas din babalik na ako ng kampo. Wala ng dahilan pa para manatili ako dito.
Tinitigan ko ang backpack ko na nakalagay malapit sa pintuan. Nakahanda na ang lahat at susunduin na lang ako ng mga kasamahan ko para bumiyahe pabalik ng Mindanao. Ang lugar kong saan posible kong maging tahanan sa mahabang panahon o posibleng magiging libingan ko na rin.Agad akong napatingin sa pintuan ng condo na biglang may nag-door bell. Wala akong inaasahan na bisita ngayun at walang sino man ang nakakaalam sa pamilya ko na dito ako nakatira. Kunot noo akong tumayo at agad na kinuha ang service pistol ko sa ilalim ng aking drawer.
