181-200

5 0 0
                                    

Chapter 181

VERONICA POV

Muling namayani ang katahimikan sa aming dalawa ni Madam Carissa. Nagiging abala na ito sa kanyang cellphone ka inilbot ko ang tingin sa pali ng opisana.

Malawak ang buong paligid. May mga paintings akong nakitang nakasabit at ibat ibang klaseng office supplies. Salamin ang nasa likuran ng upuan ng CEO kaya kita ko ang nagtatayugang building sa labas.

"Mukhang matatagalan sila sa meeting. We need to go! Mag-

ikot muna tayo para naman malibang." muling napukaw ang attention ko ng magsalita si Madam. Napansin ko ang pagtayo nito kaya tumayo na din ako.

Nakasunod lang ako dito habar nakalabas kami ng opisina.

"kapag bumalik na si Gab.. sabihin mo sa kanya na tawagan ako. Lalabas lang kami ni Veronica." bilin ni Madam sa empleyado.

"Opo Madam! Sasabihin ko po kaagad kay Sir Gabriel ang tungkol dito." sagot nito sabay yuko. Agad naman akong hinawakan ni Madam sa braso at sabay na kaming naglakad papuntang elevator.

"Alam mo bang pag-aari ng Villarama Empire ang buong building na ito? Halos ilang taon na din ang mabilis na lumipas at habang tumatagal lalong lumalago ang negosyo ng pamilya kaya laking pasalamat namin ni Gabriel dahil sinunod din ni Rafael ang nais ng buong pamilya. Akala talaga namin wala ng pag-asa ang batang iyun na hawakan ang kumpanyang ito.

" wika ni Madam. Tahimik lang akong nakikinig sa kanyang sinasabi.

Pagkabukas ng elevator ay agad

kaming naglakad palabas. Sinalubong namin kami ng driver at talong bodyguard.

"Sa Villarama Shopping Center tayo." agad naman nagsitanguan ang lahat at nagmamadaling lumabas.

"Dito na lang natin hintayin ang sasakyan." wika ni Madam. Nakangiti naman akong tumango sabay libot ulit ng tingin sa paligid. Halatang ingat na ingat kilos ng lahat. Siguro mahirap magtrabaho sa lugar na ito. Kanina ko pa napapansin ang ibang mga empleyado na mukhang aligaga. O baka natatakot lang sila sa presensya ng amo nila?

Nang mapansin namin ang pagtigil ng sasakyan sa labas ng exit ay agad akong hinila ni Madam. Marahil iyun na ang sasakyan na tinutukoy nito kanina. Agad naman kaming pinagbuksan ng isang nakau- uniform na bodyguard ng pintuan ng kotse kaya pumasok na din kami.

Halos sampung minuto lang naman ang itinakbo ng sasakyan at nakarating agad kami sa Villarama Shopping Center. Ibang iba ito sa pinuntahan naming mall noong nakaraang araw. Grabe, sobrang ganda ng paligid at naglalakihan ang mga Chandelier. Mukhang mayayaman din ang halos lahat ng nakikita kong mga tao.

Halatang mga mamahalin ang mga naka-display sa mga boutique na aming nadadaanan.

Louis Vuitton, Gucci, Prada at kung anu-ano pang mga shop ang nakikita ko. Hindi naman ako ganoon katanga para hindi malaman kung gaano kamamahal ang mga luxury brand na iyun.

"Sa spa tayo!" narinig kong wika ni Madam habang napansin kong pinindot nito ang elevator na nasa harap namin. Hindi ko man lang namalayan kung saang bahagi ng mall na kami nakarating. Kanina pa kasi lumilipad ang diwa ko sa kakatingin sa paligid.

Namamangha ako sa mga nakikita kong nagagandahang bagay.

Agad naman kaming nakarating sa spa na tinutukoy ni Madam. Sinalubong agad kami ng staff at agad kaming pinaupo.

"Good Day Madam Carissa. Nice to see you again po!" agad na bati nito kay Madam. Mukhang kilala nito ang amo po. Tahimik lang ako sa tabi ni Madam habang tinititigan ang nito.

TBTLWhere stories live. Discover now