121-140

7 0 0
                                    

Chapter 121

ROLDAN POV

"No!" Ayaw ko...bahala ka diyan. Maghintay ka hangang sa

makapanganak ako!" sagot ni Miracle sa akin habang nandito kami sa loob ng kwarto. Nakaready na kaming matulog at ng mapansin nito naglulumikot na ang kamay ko ay inawat niya ako.

"Sweetie naman. Hindi na nga natuloy ang lovemaking natin noong nakaraan dahil bigla kang umalis tapos ayaw mo pa a rin akong pagbigyan ngayun?" paglalambing ko dito kahit na ang kalooban ko ay nagmamaktol na. Tinitigan muna ako nito.

"Ayaw ko nga muna. Baka mamaya matamaan mo ang ulo ng babies natin. Maghintay ka hangang sa makapanganak ako." sagot nito sa akin sabay higa, Natigilan naman ako sa narinig ko. Pagkatapos pang

manganak? Kailan pa? Eh tatlong buwan pa ang hihintayin ko dahil six months pa lang ang tiyan nito. At ano ang sinasabi nitong matamaan ang baby?

"Sweetie dont worry dahan-dahanin ko lang. Tinanong ko ang Doctor mo sabi niya safe pa naman daw kahit mag love making tayo. Hindi iyun hadlang kahit buntis ka." pagmamaktol kong sagot dito. Muli itong bumangon at tinitigan ako sa masama.

"Ayaw ko nga! BAkit ba ang kulit mo? Para din ito sa mga babies natin kasi concern lang ako sa kanila. Baka mamaya matamaan mo ang ulo nila at masaktan pa sila sa sinapupunan ko! Tiisin mo na lang muna! Bumawi ka na lang kapag makapanganak na ako!" sagot nito sa akin. Napakamot naman ako sa aking ulo. Hindi talaga pwedeng pilitin ito dahil baka magalit na naman. Ano ba naman ito. Pati sa

pakikipag-sex bawal na? Naku! Naku! Naku! Hindi ko na talaga ulit ito bubuntisin. Hindi pa nga kami nakakapag-explore sa kama umaayaw agad. Kung bakit naman kasi hindi ako naghihinay-hinay. Ayan tuloy buntis agad at gusto pang huwag muna kaming magtalik dahil takot matamaan ang ulo ni baby? May ganoon ba? Wala na akong magawa kundi padabog akong naupo sa tabi nito. Nagulat pa ako ng bigla nitong hawakan ang buhok ko at hinila. Napaaray naman ako sa sakit.

"Ikaw ha! Ikaw ha! Huwag mo nga akong pagdabugan! Ikaw kaya ang magbuntis ng kambal? Ang bigat na nga ng tiyan ko tapos dinadaan mo pa ako sa libog mo! Umayos ka Roldan ha? Huwag mo ulit ako galitin!" asik nito sa akin. Mukhang mag-uumpisa na namang bumuga ng apoy ang dragon kaya naman pilit kong pinapakalma 2 sarili ko. Takot ko lang na mag-

alburuto na naman ito. Baka mamaya sa labas ako ng kwarto nito pupulutin kapag ipilit ko pa ang gusto ko. Siguro nga babawi na lang ako pagkatapos nitong manganak.

Pilit akong ngumiti dito tsaka nilambing. Pagkatapos ay muli ko itong inalalayan na humiga na ng kama. Malaki na talaga ang tiyan nito at maaring mahirap na din talaga dito ang makipaglove making. Kambal ang anak namin na nasa kanyang sinapupunan kaya dapat intindihan ko na lang siya. Tsaka na nga lang kapag makapanganak na. Sisiguraduhin ko na ihi lang ang pahinga kapag dumating na ang araw na iyun.

"Ok fine...sorry na! Hindi na ako mangungulit! huwag ka ng magalit sa akin..Love na love kasi kita eh kaya pasensiya ka na kung makulit ako minsan." Nakangiti kong sagot dito. Matamis naman ako nitong nginitian

at niyakap.

Mabait naman talaga itong asawa ko kung walang tupak. Sweet din at alam kong mahal na mahal niya ako. Ngayung buntis ito sa anak namin dapat talaga intindihin ko ito dahil alam ko kung gaano kahirap ang kanyang sitwasyon.

Maraming gabi ang dumaan na kontento lang kaming magkayakap habang natutulog. Masayang gumigising sa umaga at kakain ng almusal. Personal kong inaasikaso ang lahat ng kanyang pangangailangan sa abot ng aking makakaya. Sila Mommy at Daddy naman ay todo suporta. Parehong excited na sa paglabas ng kanilang apo. Nakaready na din ang nursery room ng kambal.

TBTLWhere stories live. Discover now