Chapter 161
RAFAEL VILLARAMA POV
VILLARAMA MANSION
Para labanan ang matinding boredom inabala ko ang aking sarili na lumangoy sa swimming pool. Nakaalis na ang mga kaibigan ko papuntang Thailand at katulad ng inaasahan hindi na ako sumama. Hindi ko mahindian si Mommy. Kaninang umaga pa kami nakauwi at dahil hindi ako sanay na humilata ng kwarto buong maghapon naisipan ko na lang magswimming.
"Uncle! Sa wakas nagkita din tayo ulit!
Napaangat pa ang aking ulo ng marinig ko ang boses ng isa kong pamangkin, Sinipat ko ito ng tingin. Agad na tumampad sa harapan ko ang mukha ng isa sa mga kambal na anak ni Ate Miracle. Si Elijah. Hindi magkakalayo ang aming edad at
mukhang galing ito ng School base na din sa kanyang suot. Binatang binata na ang pormahan nito at hindi na ako nagtaka pa dahil halos dalawang taon lang ang agwat ng edad ko dito.
"Ang tagal din nating hindi nagkita Uncle! Buti natiymepuhan kita ngayun. "muling wika nito. Hindi ko maiwasan na mapangiwi ng tawagin ako nitong uncle". Ilang beses ko na itong sinabihan na tawagin ako sa pangalan ko pero sadyang matigas ang ulo nito. Hindi nakikinig sa pakiusap. 11
Lumangoy ako papuntang gilid ng pool para marinig kong ano pa ang sasabihin nito.
"Pwede ba! Tigilan mo ang kakatawag sa akin ng 'Uncle'. Halos magkasing edad lang tayo at kung umasta ka akala mo sampung taon ang agwat ng edad ko sa iyo!' gigil kong wika dito. Tumawa naman ito.
"Sorry...bilin kasi ni Mommy sa akin "
Uncle' ang itawag namin sa iyo dahil magkapatid kayo. Hayaan mo kapag tayong dalawa lang tatawagin kita sa pangalan mo. Basta isama mo ako sa mga gimik mo." Nakangisi nitong wika. Jiling-iling naman ako dito habang seryosong sinisipat ito.
"Ano ang kailangan mo? Bukas pa ang family day ah?" Nakakunot ang noo kong tanong. Friday pa lang ngayun at bukas ng hapon gaganapin ang family day hangang linggo. Yes...two days na. Ibig sabihin kapag weekend required na dumalaw dito sa mansion lahat ng kapatid ko.
"Hindi mo ba alam? Dito na ako naglalagi sa mansion..Palibahasa kasi bihira ka lang kung umuwi dito kaya hindi mo tuloy alam ang mga kaganapan dito sa mansion." natatawa nitong sagot. Lalo ko itong kinunutan ng noo.
Kailan pa ito dito? Hindi ito
nababanggit nila Mommy at Daddy ah?
"Inukupa ko ang bakanteng kwarto katabi ng room mo. Mas gusto ko dito sa mansion dahil mas malapit sa School na pinapasukan ko. Isa pa gusto kong makasama lagi si Mama Carissa at Papa Gabriel." muling wika nito. Hindi ko maiwasan na mapaismid. Alam kong nagsisipsip lang naman ito kila Mommy at Daddy.
"Buti pinayagan ka nila Ate at Kuya Roldan na dumito muna." walang gana kong tanong. Napangiti ito bago sumagot.
"Oo naman! Mas maigi nga dumito muna ako eh. Alam mo naman na hindi kami magkasundo ng kakambal kong si Elias. Tahimik ang bahay kapag hindi kami magkakasalubong ng kakambal ko." wika nito. Napailing na lang ako. Noon pa man aware na ako na parang aso at pusa ang kambal na anak ni Ate Miracle. Kahit maliliit na bagay. laging pinagtatalunan.
Sabay na dumako ang aming tingin sa tatlong tao na kasa-kasama ng guard papuntang garden. Nagtataka akong napatitig kay Elijah.
"I think sila na iyung tatlong
kasambahay na ipinadala ng agency. Sana naman sa pagkakataon na ito, mga seksing kasambahay naman ang kunin ni Mama Carissa. Sawa na ako sa mga losyang na kasambahay.
