Chapter One ~ After Nine Years ...

19 1 0
                                    

"NOT AGAIN!" nadidismayang sigaw ng bestfriend ko na si Angel. Nahuli nanaman kasi siya sa pagpasa ng project kaya ginawa niya ito nung Recess. 

"'Yan kasi, laging cramming!' sabi ko naman sa kanya sabay labas sa dila ko.

"Bestfriend talaga kita! Thank you ha! THANK YOU!" sabi naman niya na halatang may pagkairita na sa kanyang tono.

Naalala ko tuloy nung una ko siyang nakita. Umiiyak siya sa harap ng gate. Ayaw daw niyang pumasok kasi baka awayin lang daw siya ng mga kaklase niya. Ako naman ang tumulong sa kanya dahil parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi siya nagsasalita noon, akala ko nga pipe siya eh pero noong pangatlong araw na magkasama kami may bigla akong narinig na nanggaling sa bibig niya, "Thank You" at dun na kami nagsimulang maging magbestfriend.

"Tulungan na nga kita, kawawa ka naman." pang-aasar ko sa kanya.

"Wow ha! Ngayon ka pa tumulong kung kelang time na!" sabay pektus sa akin.

"Aray! Para saan nanaman 'yun?!" sabi ko sakanya na natatawa.

Ayun, nagwalk-out nanaman ang bruha. HAHAHA. Kung 'di ko lang bestfriend 'to matagal ko nang inapi-api 'to. Ang bilis kasi mapikon, sarap pagtripan. Pero lahat ng sikreto ko nasasabi ko dyan, pwera lang sa mahal ko. Yung litrato! Kinapkap ko yung bulsa ko,

"Asan na 'yun?" bulong ko sa sarili ko. Natataranta na ako, nung binuksan ko bag ko.. 

"Halla, wala talaga" kausap ko na sarili ko. Biglang may lumapit na magandang babae sa akin.

"Eto ba hinahanap mo?" sabi niya habang inaabot ang litrato ng mahal ko.

"Ahh, Oo. Salamat." sabi ko naman sabay ngiti.

"Girlfriend mo?' tanong naman niya. 

"Ahh, eh. Hindi. Mahal ko lang." sabi ko naman na walang pag-aalinlangan.

"Ahhh." sabi naman niya at nagpaalam na.

Hay! Buti na lang at sinauli pa sa'kin yung litrato ng mahal ko. Antagal ko ng tinatago at hinahanap 'tong babae na nasa litrato pero lagi akong bigo. Pitong taong gulang ako nung nakuhanan ko siya ng picture at hindi ko alam pero nainlove ako agad. Para bang meant-to-be kami. Yung pakiramdam na kailangan ko na lang siya hanapin dahil siya ang itinakda ng Panginoon na mamahalin ko habambuhay.

"Ikaw ha, muntik ka na mawala! Alam ko nakatatak na ang mukha mo sa isip ko, pero ayokong nawawala ang picture mo. Malulungkot ako pag ginawa mo 'yun." sabi ko sa litrato, anumang oras pagkakamalan na nila akong baliw pero hindi ko sila pinansin.

Pumasok na din ako sa classroom at nakita ko agad si Angel. 

"Tagal mo ah?" sabi niya habang binubuksan yung bag niya para kunin yung notebook ko at iniabot sa'kin.

"Ahh, ehh. Hinanap ko yung mahal ko." sabi ko sakanya.

"Ahh. ehh si--" sabi naman niya at saktong dumating na din si Sir. Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya.

---

The PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon