Chapter Four ~ Her Parents

11 0 0
                                    

"MA" sigaw ko bigla. Natatarantang pumasok si mama sa kwarto.

"Anak, anong problema?" 

"Hindi ako makapili ng damit ma, makikilala ko na mga magulang ni Lucy ngayon."

*PAK*

"Aray ma!" grabe, parang mag-ina si Angel at mama. Napektusan nanaman ako. Lagi akong pinagtutulungan nila mama at Angel pag dumadating si bestfriend sa bahay eh. Ang sarap pag-untugin.

"Oh eto, at eto bagay sa'yo 'yan" habang inaabot ni mama ang mga damit na napili niya. 

"Salamat ma" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

*PAK*

"Aray! Para san nanaman 'yun ma?!" 

"Dahil mas gusto ko si Angel para sa'yo" sabi niya, nagulat ako. 

*PAK*

"MAAAAA! Para saan nanaman 'yun?!" sabi ko, nakakainis na ma ha.

"Dahil baka lumabas ang kalokohan mo sa bahay nila Lucy. Nakakahiya!" 

"Opo ma, magpapakatino po ako dun." sabi ko sakanya.

Nakarating na ako sa bahay nila Lucy. Pagdoorbell ko..

"Magandang Umaga Po." sabi ko sa katulong nila. Katulong nga ba nila?

"Ay, magandang umaga din. Sino ang pakay mo dito iho?" sabi naman niya.

"Si Lucy Jacinto po." sabi ko naman.

"Ay, wala akong kilala na Lucy Jacinto iho." Nagtaka ako, dito ko mismo hinatid si Lucy ah.

"Sige po. Salamat na lang po." sabi ko habang tinatago ang pagkahinayang. Paano naman nangyari na wala si Lucy dyan? 

"Terrence?" biglang sabi ng nasa likod ko.

Pag harap ko nakita ko si Lucy. Ang ganda niya. Grabe! 

"Lucy! Saan ka ba talaga nakatira?" tanong ko

"Dito?" sabi naman niya na parang naguguluhan.

"Don't tell me si lola nagbukas ng pinto?" sabi naman niya.

"Ahh, ehh. Ewan eh. Sabi niya hindi ka daw niya kilala." naguilty ako dahil kala ko katulong yung lola niya. Lagut.

"HAHA. Pagpasensiyahan mo na si Lola. May Alzheimer's Disease kasi siya. Nakakalimutan niya kami bigla." paliwanag naman niya.

"Ahh, okay lang 'yun. Ay eto nga pala" sabay abot sa mga bulaklak.

"Sa-sa-salamat" sabi naman niya na para bang naiiyak. Bakit kaya? Hindi ko na lang pinansin dahil baka unang beses pa lang siya nabigyan ng bulaklak kaya natouch siya.

"Pasok ka." sabi niya.

Pagpasok ko, WOW. Ang ganda ng bahay nila. Mayaman na mayaman talaga ang dating.

"Magandang Umaga Po." pagbati ko sa mga magulang niya.

"Magandang Umaga din iho" sabi naman nila.

"Ma, Pa. Si Terrence po, boyfriend ko." biglang singit ni Lucy.

"Very impressive." sabi bigla ng papa niya.

Nakita ko na lang na hawak nila ang school records ko. Grabe ha, buti na lang nag-aral ako mabuti. Phew!

Nag-tanghalian na kami at uuwi na ako ng bigla akong may nakita na lalaki sa labas. Kuya niya na siguro 'to? May dalang bulaklak tas pumasok na lang basta sa bahay nila Lucy eh. Hindi yata ako nakita. HAHA. 

---

The PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon