Chapter Eight ~ I Think It's THE END

14 1 0
                                    

 "Grabe siya. Pinaasa niya lang pala ako! Akala ko pa naman siya yung meant-to-be na nakikita ko sa litrato." sabi ko kay bestfriend na karamay ko nanaman ngayon.

"Buti na lang hindi ko inentertain yung Mac-Mac na 'yun!" sabi naman niya.

"Buti na lang talaga" sabi ko ng may galit.

"Patingin nga kasi nung picture! Sigurado ka bang siya 'yun?" tanong niya sa'kin.

"Hindi ko alam, basta sabi niya siya daw eh." Kinuha ko yung picture sa bag at ipinakita ko sakanya.

Nagulat ako sa reaksyon niya. Naiyak siya, nahulog yung baso na hawak niya.

"Okay ka lang ba Angel?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Terrence san galing 'tong picture na 'to?" tanong niya sa'kin.

"Stolen picture 'yan nung pitong taong gulang pa lang ako. Simula nun, nainlove na ako dyan sa babaeng 'yan, akala ko pa nga siya na yung para sa'kin tapos hindi pala!" sabi ko na nagagalit ulit. Niyakap niya ako bigla.

"Terrence, " sabi niya, namumuo na mga luha sa mata niya. Nakakaloko 'tong babaeng 'to. May nilabas siya na galin sa pitaka niya, picture din.

"Teka, ako 'yan ah!" sabi ko sa kanya.

"Ikaw pala 'yung lalaking kuha ng kuha ng picture ko" sabi niya sabay tawa.

"A-ano?" sabi ko naman. Nalilito na talaga ako.

May nilabas ulit siya mula sa wallet niya, kamukhang kamukha nung stolen picture ng babaeng mahal ko. 

"Terrence, hindi si Lucy 'to. Ako 'to." sabi niya.

Nagulat ako. Natuwa na ewan. Ibig sabihin, yung bestfriend ko siya pala yung matagal ko nang hinahanap? Natawa ako.

"Best, ikaw lang pala 'to. Antagal ko nang naghahanap nasa tabi ko lang pala." sabi ko sakanya.

"Pero mahal mo na si Lucy diba? Best, sa totoo lang. Mahal na kita noon pa. Sobrang mahal. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Lucy." pag-aamin ni Angel.

Niyakap ko siya. Ngayon hindi ko na talaga maitago, na pati ako mahal na mahal ko din siya. 

"Mahal din kita best" bulong ko sa kanya. Sabay halik sa noo niya.

"Best" bulong ko ulit

"Bakit baboy?" sabi niya nanaman. Tss. Nakakaloko ngai.

"May klaklaruhin lang tayo" sabi ko sabay hila sa kanya palabas ng pinto.

---

The PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon