Chapter Three ~ Getting To Know Her

16 1 0
                                    

"Wala" sabi niya sabay ngiti sa akin.

"YES!" napalakas yata. Parang sinagot na niya ako ah? HAHA.

"Ay uhm.. Sorry. Hindi ko sinasadya, naexcite lang." bigla ko namang sabi ulit.

"Ahh. HAHA. Okay lang. Balikan na natin yung kasama mo kanina, mukhang naiinip na eh." sabi niya at ngumiti. Halla! Oo nga pala. Nakalimutan ko na si Angel.

Paglapit namin, ginulat ko si Angel.

"Ay anak ka ng nanay mo!" bigla niyang sinabi kaya nagtinginan yung mga tao. Ayan na!

*PAK*

"Aray!" pinektusan niya nanaman ako. 

"'Yan ang nakukuha ng mga maloloko" sabi naman niya habang natatawa.

"I am Lucy" biglang nagsalita yung mahal ko.

"Ako nga pala si Angel, bestfriend ni Terrence." sagot naman ni Angel.

"Ay, Angel. 'To nga pala yung sinasabi ko sa'yong mahal ko. Yung nasa picture." kukunin ko na ulit yung picture pero naalala ko, naiwan ko pala sa locker room ng mga varsity players ng basketball. 

"Ay, naiwan ko pala Angel. Bayaan mo na, basta nasa harap ko na yung mahal ko." buong pagmamalaki ko naman na sinabi sa kanya.

"Ahh." 'yun lang ang sinabi niya. "Oh siya bestfriend, mauna na ako ah. Maglilinis pa ako sa bahay at para makapagbonding naman kayo ng mahal mo." sabi niya ulit sabay kindat. Loko talaga 'to. HAHA.

Pagkauwi ko ng bahay, inabutan ko si mama na naghuhugas ng pinggan kaya tinulungan ko na siya sa sobrang saya ko. 

"Anak, nilalagnat ka ba?" tanong ni mama habang hinahawakan ang noo ko. Hindi ko kasi siya natutulungan eh. 

"Ma naman. Masaya lang po ako ngayon dahil sa wakas nahanap ko na yung babae na nasa litrato. Nakasama ko pa po buong araw!" sabi ko kay mama habang nakangiti. Natuwa naman si mama at gusto niya daw ito makilala. 

"Syempre naman ma. First girlfriend ko 'to eh kaya dapat kilalang kilala niyo." sabi ko naman. At oo kami na. Sabi niya mahal niya din daw ako simula pa lang nung nakita niya ako na tumatakbo palayo habang hawak yung camera. O diba? Swerte ko! Isa pang good news, ipapakilala niya na din ako sa mga magulang niya bukas. Sa sobrang excitement ko, hindi ko na namalayang tulog na ako.

--- 

The PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon