Chapter Five ~ Fighting with Angel

9 0 0
                                    

"Best!" sigaw sa'kin ni Angel.

"Oh bakit?" sabi ko naman.

"Hindi kita macontact kahapon, asan ka?" tanong niya.

"Sa bahay nila Lucy, pinakilala niya na ako sa mga magulang niya." sagot ko naman ng nakangiti.

"Sus, kinakalimutan mo na ako? Diba sabi ko sasamahan mo ako mamili ng damit para sa Prom?" Oo nga pala! Nakalimutan ko! Tss..

"Ehh, kasi.." halla eh, nagwalk-out nanaman. Pang-best actress talaga 'tong bruha na 'to.

"Uy" sabi ko habang hinahabol siya.

"Uy, sorry na best. Promise lilibre kita ng damit netong Sabado" sabi ko sakanya.

"Talaga?!" sabi niya na medyo galit.

"Oo, Promise" sabay taas sa kanang kamay ko.

"Ayoko pa din!" sabay lakad pa ng mabilis. Taray ah, damit na nga 'yun eh, ay! Oo ngapala. Dapat laging may kasamang pagkain! Baboy sho!

"Hoy! May kasamang pagkain." sigaw ko sa kanya.

Hindi siya bumalik dahil parang nagmamadali na talaga siya, ni hindi man lang humarap pero nag peace sign siya kaya ibig sabihin. DEAL.

The PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon