Chapter Nine ~ The TRUTH

13 1 0
                                    

 Umakyat kami sa rooftop ng school. Nakita ko na nagyayakapan sina Mac-Mac at Lucy.

"Anong ginagawa natin dito" tanong sa'kin ni Angel.

"Basta" sabi ko naman sabay hila sa kanya papunta sa mga lovebirds na manloloko.

"Lucy!" sabi ko na galit na galit.

"Terrence?" sabay pa ang mga loko.

"Oo, ako nga. Bakit ka nagsinungaling sa'kin?" tanong ko.

"Terrence, I'll explain" sabi naman niya.

"Yes, hindi totoong ako yung babae sa picture. Kakabreak lang namin ni Mac-Mac noon kaya kailangan ko siyang pagselosin para bumalik na siya sa'kin. Nakita naman kita at nung iniabot ko yung picture, I saw sincerity in your eyes. Sorry kung nasaktan kita. Sorry din kung nung araw na sinabi ko sa'yo na parents ko ang bibisitahin mo, hindi sila 'yun. Mga overprotective ko lang na mga pinsan 'yun at tinutulungan nila ako na mabawi si Mac-Mac. Patawarin mo sana ako Terrence pero masaya na ako kay Mac-Mac ngayon. Ikakasal na kami." sabi niya sa akin.

"Alam ko" nagulat siya sa reaksyon ko.

"Alam ko na ikakasal na kayo. Pero 'di mo dapat ako ginamit. Wag ka mag-alala. Nahanap ko na siya ngayon. All this time nasa tabi ko lang siya. Kaya patatawarin kita dahil alam kong ito ang mas makakabuti sa ating lahat." sabi ko sabay ngiti. Wala na akong hihilingin pa kung hindi ang makasama si Angel sa habambuhay.

---

The PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon