Chapter Two ~ Revelation

13 0 0
                                    

Habang naglalakad pauwi. Nagtanong bigla si Angel

"Sino yung tinutukoy mo na mahal mo, ha Terrence?"

"Bakit mo tinatanong? Siguro nagseselos ka noh?" pabiro ko na sagot sa kanya.

*PAK*

"Oh 'yan. Feeling ka masyado." sabi niya pagkatapos niya ako pektusan.

"Aray naman! Papatayin mo naman ako eh!" sabi ko sakanya habang minamasahe yung parte na pinektusan niya. Kung 'di lang babae 'to tagal ko ng binawian!

"Pero seryoso, sino nga?" tanong niya ulit.

"Bakit mo tinatanong?" sabi ko naman sa kanya na para bang nagtataka dahil dati wala namang pakialam sa love life ko 'to eh.

"Dahil nga bestfriend mo ako at gusto ko makilala kung sino siya." paliwanag naman niya.

May punto naman siya eh, kaya dinala ko muna siya sa parke malapit sa bahay nila. Dahil gusto nang malaman ni bestfriend ang love life ko. Ikekwento ko na ang tungkol sa misteryosong babae sa litrato na mahal na mahal ko.

"Sige ikekwento ko na." sabi ko sakanya.

Nang kukunin ko na sana ang litrato biglang may tumawag sa'kin.

"Terrence!" sabi ng isang malambing na boses.

Pagtingin ko, siya yung mismong babae na nakita kong nagbigay ng litrato sa akin. Pero pano niya nalaman pangalan ko?

"Ako nga pala si Lucy" sabi niya habang iniaabot ang kamay para makipagkaway.

"Pwede ba kita makausap? Yung tayo lang? Okay lang ba sa kasama mo?" sabi niya, napatingin ako kay Angel at umoo naman siya kaya sinundan ko na si Lucy sa isang tabi.

"May sasabihin ako." sabi niya kaya naintriga naman ako.

"Ano naman yun?" tanong ko sa kanya.

"Yung larawan na hawak mo kanina, pwede ko ba makita ulit?" sabi niya kaya napataas kilay ko. Kinuha ko naman mula sa pitaka ko at inabot sa kanya.

"Oo, eto nga. AKO 'TO." sabi niya kaya nanlaki mata ko. Siya kaya itong mahal ko? Si Lucy na kaya 'to? Tanong ko sa isip ko. Napangiti ako at niyakap siya. 

"Nahanap na kita!" sabi ko na tuwang-tuwa. Bigla kong naisip, may boyfriend na kaya siya?

"May boyfriend ka na ba?" tanong ko sa kanya. Sana naman Lord wala.. Please Please Please

"Ahh, Ehh..." sabi niya na medyo paputol-putol.

The PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon