Prologo

3 0 0
                                    

Noong unang panahon, bago pa ilikha ng Bathala ang mga tao, may nauna nang naninirahan sa mundo ang mga engkanto. Isa sa kauna-unahang ginawang engkanto ng diyos ay ang mga Zin. Ang mga Zin ay namuhay ng maayos ngunit hindi alam ng mga iba pang nilalang ay may masamang plano ang mga Zin, ito ay pumunuan at gawing madilim ang mundo.

May kakayahang i-kurap ng mga Zin ang halaman at hayop, sa konting gamit ng mahika, ang berdeng halaman ay nagiging lila at natutuyo ang tangkay, habang ang mga hayop naman ay nagiging mabangis at nanakit ng iba pang nilalang. Sa plano nilang ito, nabuo ang unang digmaan, "Ang Unang Digmaan ng Mortal at Imortal".

Hindi nagustuhan ni bathala ang nangyari kaya't kinulong niya ang mga Zin sa isang liblib na gubat at  isla. Nahirapan ang mga Zin at nabawasan ang kanilang lahi, nagsisi, nagutom at nagdusa habang sila ay nakakulong. Ngunit ang isang zin na si Bizzar ay nagkaroon ng plano upang manirahan at magtulong-tulong ang kapwa nila kalahi at duon nabuo ang bayan ng Biringan.

Si Bizzar ang kauna-unahang Pangulo ng Biringan, nagustohan ni Bathala ang ginawang pag tutulong-tulong ng mga Zin at dahil duon ay sila ay nakalaya.

Gumawa pa si Bathala ng iba pang nilalang, at duon sa mundo ay nakipag interaksyon sila sa isat-isa. Hindi alam ng iba ay may masamang plano si Bizzar, ito ay sakupin muli ang mundo kagaya ng ginawa ng kaniyang mga ninuno. Sa panahong iyon ay mas maramin nang nilalang, mapa tao man, hayop, o engkanto. May kumampi sa kabutihan, kasamaan at gitna lamang. At dito na nabuo ang "Ikalawang digmaan ng Mortal at Imortal".

Mas madaming nasawi at nangyari sa ikalawang digmaan, ngunit sa huli nanalo ang kabutihan nang maging Presidente ng Biringan ang isang engkanto na si Malandara na nasa panig ng kasamaan,sila ay sumuko,ibinaba ang tungkod, sibat, espada at iba pang kagamitang pang laban sa isat-isa.

Naisipan ng ikalwang Presidente na manirahan ang karamihan sa bayan ng Biringan, ngunit may mga hindi nagustuhan ito kaya gumawa sila ng sarili nilang bayan. Ang pumayag naman ay nanatiling masaya.

Dinayo ang Biringan ng kaibigang engkanto galing sa Gresya noong 21 A.D.,mga engkantong matatalino at may galing sa sining, mahika, siyensya at pilosopiya na sumasamba sa katulad na Bathala si Zeus. Tinuruan mga Griyego ang mga naninirahan sa Biringan ng kanilang nalalaman, isa na dito ang paghihiwalay ng mundo sa mundo ng tao at paggawa ng isang portal.

Naging masaya naman ang mga engkanto sa Perlas ng Silanganan ngunit sa pagtagal ng panahon, ang karamihan ng mga engkanto ay nagkaroon ng alerhiya sa tubig dagat na pumupigil sa kanilang paglalakbay sa bawat isla. Tila ba isang asido na tubig ang mararamdaman nila kapag sila ay nabasa nito. Ngunit sa katasaan ng mahika at siyensa ng Biringan, nagawa nila itong labanan gamit ang "Katas ng Imunosyon sa Asin" ngunit sa napakahirap na paraan at mahirap hanapin na sangkap kaya napakonti lamang ang nakatangap nito at ang mga sobrang yaman lamang ang nagkaroon nito.

Duon na naisipan ng ikatlong Presidente ng Biringan, si Alanes na ipagbawal ang pag labas pasok sa Biringan upang maging ligtas ang lahat. May isa pang dahilan ang ikatlong Presidente, ito ay malalaman natin sa parating na istorya. Ngayon patapos na ang oras sa mahiwagang "Orasan na Buhangin",ang orasan na ito ay hindi magagalaw o mahihinto ng pisikal at ito ang nagdedesisyon hangang kailan mamumuno ang isang Presidente. Na ibig sabihin ay malapit na matapos ang posisyon ng ikatlong Presidente na si Alanes.

Dito na naisipan tumakbo ni Evlicia ang kahuli-hulihang Zin at ang kaniyang katungali na si Louis Ignatio na tumakbo bilang pangulo. Sino kaya sa kanilang dalawa ang magwawagi? Abangan sa kwento ng Biringan.

Biringan: Ang Paghahanap sa Kristal na HalamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon