Kabanata 2: Pagtakas

1 0 0
                                    

Tapos na ang parada ng mga tatakbong presidente nang malaman ni Evlicia ang nanyare.

"Mga inutil! Hanapin niyo siya" ang sigaw at utos ni Evlicia

"Hindi ako makapaniwala na napigilan ang plano natin ng isang pangkaraniwang engkanto"

"Evlicia, pinapahanap ko na sa ating tauhan ang babaeng may bulaklak na korona sa buhok. At isa pa, alam mo ba na ang babaeng pumigil sa atin ay isang kababata mo dahil dati siyang nagaaral sa elementaryang paaralan. Siya si Dian Masalanta, ang diwatang may kaalaman sa halaman." ang sabi ni Intelligencia

"Dian Masalanta, pamilyar na pangalan, ito ba ang diwata na may mataas na kaalaman sa halaman. Nakaka intriga, hmmm... Siya na nga! Siya na ang susi sa ating hinahanap! Kung hindi kayang tuklasin ng libro ng propesiya ang lugar ng nilalang o bagay, kailangan nating humanap ng nilalang na may alam sa halaman. Oh Dian Masalanta ang susi na aking hinahanap" ang sabi ni Evlicia

"At may dinala akong engkantong magpapadali sa ating pag hahanap" ang sabi ni Intelligencia

Agad na pumasok si Dayang Sinukuan sa silid na kanilang pinagroroonan.

"Pamilyar ang mukha niya" ang sabi ni Evlicia

"Dayang Sinukuan, ang karibal ni Dian Masalanta" ang sabi ni Intelligencia

"Oooh magaling, at ano ang nalalaman ng babaeng ito?"

"Isa ako sa kababatang kaibigan ni Dian Masalanta at marami akong nalalaman sa kaniya. Sa ngayon ay wala na siya sa kaniyang tahanan." ang sabi ni Dayang Sinukuan

"Ughh malamang magtatago siya,ang kinakatakot ko lamang ay baka magsumobg siya, lalo na nang nakita ka niya Intelligencia" ang sabi ni Evlicia

"Huwag kang magalala,nakababa ang aking roba at may takip ang aking ilong at bibig" ang sabi ni Intelligencia

"Magaling, ngayon Dayang Sinukuan, gusto kong hanapin mo ang iyong karibal at dalhin siya sa akin." ang sabi ni Evlicia

"At sabi ng libro ng propesiya ay aalis siya ng Biringan nang walang sapat na dahilan. Bagamat hindi nito kayang tukuyin ang kinalalagyan ng nilalang o bagay, malalaman nito ang plano ng nilalang na malapit o tinutukoy namin." ang dugtong ni Intelligencia

"Masusunod mga panginoon" ang sagot ni Dayang Sinukuan

"Magaling! Hahaha!" ang tawa ni Evlicia

***

Habang nasa bahay at nagiimpake ng kagamitan, nangangatog na ang katawan ni Dian Masalanta dahil sa kaniyang nakita.

"Sino kaya ang may paka ng iyon, siguro ay may kinalaman ito sa nalalapit na botohan." ang sabi ni Dian

"Dian, ano ang kailangan nating gawin" ang tanong ng ibon

"Isa nalang ang kailangan nating gawin, ang tumakas, nakawin ang likido ng proteksyon sa asin at umalis ng Biringan. Hahanapin ko ang bundok na aking naging tahanan noong ako'y bata pa."

Lumabas si Dian Masalanta sa kaniyang tahanan at tinawag nagsilapitan ang mga hayop na nakapaligid sa kaniya.

"Kung sino man sa inyo ang gustong maiwan ay magpapaalam na ako sa inyo, salamat at sa gustong sumama sundan niyo ako,ang karamihan sa inyo ay maghintay sa portal palabas ng Biringan at ang iba ay sumama sa akin, kailangan nating kumuha ng proteksyon sa asin." ang utos ni Dian

Agad na kumilos ang mga hayop habang pababa ang araw at pumunta na si Dian at ibang hayop sa departamento ng mahika.

Habang papunta sila Dian Masalanta at ang mga hayop duon, agad namang nagpasa ng liham si Intelligencia sa departamento ng mahika para  ipagpapaalam na kumuha ng salt immunity potion si Dayang Sinukuan.

Biringan: Ang Paghahanap sa Kristal na HalamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon