Kabanata 1: Pagtuklas

3 0 0
                                    

Sa kapital ng Biringan, matatagpuan ang mansion ng Zin na si Evlicia, medyo liblib at malayo sa sibilisasyon. Duon sila ay nagpaplano ng dapat gawin kasama ang matalik na kaibigan niyang dwende na nakasuot ng kayumanging roba.

"Ughhh naiinip na ako Intelligencia." ang bigkas ni Evlicia habang nagpapauli-uli sa balkonahe ng kaniyang mansyon

"Kumalma ka lang Evlicia, nalalapit na ang paparating na botohan." ang sabi ng dwendeng si Intelligencia habang umiinom ng tsaa

"Nahihibang ka na ba kaibigan? Lumabas na sa libro ng propesiya na malapit nang sakupin and perlas ng Silanganan at kapag hindi ako namuno..."

"Hindi mo masasakop ang buong mundo kasi hindi mo na masasakop ang lugar na kinakatayuan ng Biringan, Evlicia huwag kang magalala, marami pang ibang paraan." dugtong ni Intelligencia

"At anong paraan? Ugh kung nasa akin lang ang kristal na halaman."

"Hayyy nako ,huwag kang magalala ginagawa na lahat ng tauhan natin para mahanap ang kristal na halaman."

Pumunit ng papel sa Intelligencia sa isang libro at ginawa itong ibon na papel sa pamamagitan ng kaniyang mahika at lumipad ito ng kusa.

"Kung hindi lamang nawala ang Kristal na halaman." ang malungkot at galit na sabi ni Evlicia

"Mahahanap natin iyon, huwag kang mag alala." ang sinabi ni Intelligencia para pagaanin ang loob ni Evlicia

"Panginoong Evlicia tapos na ho ang paghihintay niyo sa experimento." ang pag antala ng katulong ni Evlicia

Agad namang umalis ang dalawang magkaibigan para tumungo sa labaratoryo.

Samantala, ang lumipad na papel na ibon ay tumungo sa kabahayan ng mga pangkaraniwang engkanto, sa di kalayuan naglalaro ang mga hayop at sa gilid nila ay matatagpuan ang isang babaeng nakaupo sa ilalim ng puno, isang babaeng may bulaklak na korona sa kaniyang ulo.

Ito ang diwata na si Dian Masalanta, si Dian Masalanta ay mapagmahal sa kalikasan at mga hayop na karaniwang matatagpuan sa mabait na engkanto sa mundo. Ngunit hindi katulad ng ibang engkanto si Dian, hindi siya nakapagtapos ng kaniyang pag aaral.

Ang tanging kaya niya lamang gawin ay ang mahika sa halaman at ang kumausap sa hayop.

Agad na kinuha ni Dian Masalanta ang ibon na papel at nawala ang mahika nito.

"Ibong papel? Mas maganda sana kung nakakapagsalita ka" ang natatawang sabi ni Dian

Tumayo si Dian Masalanta at tinignan ang siyudad ng Biringan mula sa kaniyang kinakatayuan.

"Hanggang kailan ba ako mananatili sa lugar na ito, maganda nga ngunit hindi ka makakalabas. Gusto ko nang makabalik sa kabundukan na aking naging tahanan noong ako'y bata pa at buo ang aking pamilya."

Habang tinitignan ni Dian ang siyudad, bigla nalamang siyang hinila ng usa at nakipaglaro siya sa mga hayop.

Sa di kalayuan,sa may damuhan, may nanunuod sa dalagang engkanto na nakikipaglaro sa mga hayop.

Ang nanonood kay Dian Masalanta ay ang karibal nitong diwata noong bata pa lamang sila, si Dayang Sinukuan.

Hindi katulad ni Dian, si Dayang ay may kakayahan sa ibang mahika ,hindi lamang sa halaman. Ngunit dahil sa kakaibang taglay at masterhiya ang mayroon si Dian, naingit si Dayang sa kakayahan niyang iyon.

"Hmm nakikipaglaro at nakikipagusap sa mga hayop, nakakaboryong." ang sabi ni Dayang Sinukuan at agad itong umalis

Pumunta sa kabahayan si Dayang at narinig niya ang ibang engkanto na nagchichismisan.

"Sinong iboboto mo?"

"Si Louis!"

"Ako rin si Louis"

"Si Riktus sakin"

"Wala namang boboto yata kay Riktus at sa iba pang tatakbo."

"Uy ikaw Dayang, sino iboboto mo?" ang sabi ng isang engkanto habang nakita nitong papagawi si Dayang Sinukuan sa kaniyang tahanan

"Si Evlicia" ang tugon ni Dayang Sinukuan

Nagulat at napa hinga ng hangin ang mga engkantong nagchichismisan.

"Bakit si Evlicia pa?"

"Ang dami-dami naman diyang iba."

"Kailangan na ng lugar na ito ng pagbabago, kaya't siya ang aking iboboto" ang sagot ni Dayang

Sinundan pala ni Dian Masalanta si Dayang nang marinig nito na naguusap ang ibang engkanto.

"Dian, anong pinaguusapan nila?" ang tanong ng isang kuneho

"Botohan sa nalalapit na eleksyon para sa presidente ng Biringan." ang sagot ni Dian

"Sinong iboboto mo Dian?" ang tanong ng isang ibon

"Wala akong iboboto" ang sagot ni Dian

"Ang tanging gusto ko lamang ay bumalik sa lugar noong buo pa ang aking pamilya, kaya lang naman ako nandito sa Biringan ay dahil napilitan ako nang malaman ko na pumanaw na ang aking pamilya at tanging mga kaibigan na lamang ang natitira ngunit may sari-sarili na silang pamilya" dugton ni Dian

Bumalik na si Dian sa bangin habang tinitignan ang Biringan.

Samantala,tuwang-tuwa si Evlicia habang hawak nito ang potion ng kaniyang experimento.

"Hahahaha sa wakas! Ang potion na makakapag gawa ng hypnotismo" ang hagikhik ni Evlicia

"Dali at ikalat ito sa lahat ng bulaklak na halaman na dadaanan ng parada, lahat ng engkanto na makakaamoy nito ay iboboto ako hahahah." dugtong at utos ni Evlicia

Agad agad namang sinunod ng mga tauhan ni Evlicia ang utos nito. Kaya maya-maya, nakita ni Dian na may kakaibang nangyayari sa mabulaklak na daanan, mabilis siyang tumungo dito at sa hindi inaasahan nakita niya ang isang tauhan na nilalagyan ang bulaklak na halaman ng likido na may maitim na kulay.

"Ano ang ginagawa ninyo?" ang tanong ni Dian

"Huwag ka na lamang mangealam pa, medyo matatagalan ang epekto ng mahika ng likidong ito kaya hayaan mo nalamang kami" ang tugon ng isang tauhan

Tinulak ni Dian ang engkanto at binasag nito ang salaming potion. Nakita niya na may kakaibang mahika at amoy na lumabas nang mabasag ang potion.

"Sabi ko na nga ba, may ginagawa kayong masama" ang sabi ni Dian na may pagkagulat

Agad na inatake ng mga hayop ang mga tauhan ni Evlicia at habang nakikipagtungali ang mga ito sa mga hayop ay agad na hinila ni Dian ang kahon sa karwahe at binasag ang mga babasaging potion.

"Takbo!" ang sigaw ni Dian Masalanta

Habang hinahabol si Dian Masalanta ng nga tauhan ay kumumpas ito ng kamay upang magpalabas ng mahika at biglang may baging na humila sa mga tauhan na naging dahilan ng pagkatumba nila.

Habang nasa dulo ng daan si Dian ay bigla nalamang nitong nakasalubong si Intelligencia.

"Isang hangal na dalaga ang pumipigil sa aming plano. Ano ang iyong nais?" sambit ni Intelligencia

"Habulin siya" utos ni Intelligencia

Napahinto si Dian at gumilid papunta sa kakahuyan. Habang tumatakbo ay nagtago siya sa isang malaking bato habang siya ay kinakabahan sa pag tatago ay nakita niya ang malaking supot at maliliit na prutas at laruan ,agad niyang sinilip ang supot.

"Alikabok ng pagpapaliit, ito na nga"kinuha niya ang supot ng alikabok ng pampaliit at tumakbo.

Agad siyang umuwi sa bahay niya at kumuha ng iba pang supot at hinati ang alikabok ng pagpapaliit. Pagkatapos niya itong hatiin ay tinawag niya ang kaibigang mga hayop, ibinigay ang mga supot at inutusan ang mga ito na ibudbod ang alikabok ng pagpapaliit sa lahat ng bulaklak na dadaanan ng parada.

Ngunit ngayon, nanganganib na ang buhay ni Dian Masalanta, ang tanging kailangan niyang gawin ay kumuha ng Potion of Salt Immunity at umalis sa Biringan.

Biringan: Ang Paghahanap sa Kristal na HalamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon