Kabanata 4: Papuntang Timog Kanluran

5 0 0
                                    

Habang ang mga engkanto sa Biringan ay nagsasaya dahil sa bagong plano ng bagong pangulo, si Dian Masalanta naman at ang mga hayop ay ilang beses nang nagpahinto-hinto sa mga isla para mamahinga at kumain. Walang alam si Dian Masalanta sa direksyon na tatahakin ng kaniyang dahon na bangka. Ang tanging paraan lang niya para malaman na nasa tamang lugar na siya ay ang ala-ala sa kaniyang memorya.

Kakatapos lang kumain ni Dian at ng mga hayop sa isang isla. Sa di kalayuan ay nasundan na pala sila ng tauhan ni Evlicia at ni Dayang Sinukuan.

"Ubos na ba ang pagkain nating dala?" tanong ni Dayang sa tauhan ni Evlicia

"Pasensya na diwata ,ngunit malapit nang maubos ang mga pagkain natin." sagot ng isang tauhan

"Nako po bathala ko, bakit ba ang ilap ng Dian na yan." ang sabi ni Dayang na may halong galit

Si Dayang Sinukuan ay sinamahang maglayag ng sapmpung tauhan ni Evlicia. Tiwala si Evlicia na mahahanap ni Dayang si Dian dahil sa galit at ingit nito. Ngunit ang hindi alam ni Evlicia ay may halong lungkot ang galit ni Dayang Sinukuan. Nakatitig lang si Dayang sa karagatan nang bigla siyang nilapitan ng isang tauhan at kinausap.

"Mukhang malungkot ka yata diwata. Napaka swerte mo dahil ikaw ang napili ni Evlicia para hanapin ang diwatang si Dian. Bakit nga ba malaki ang galit mo sa kaniya?" ang sabi ng isang tauhan

"Si Dian, sa totoo lang naiingit ako sa kaniya dahil sa kakayahan niya sa halaman. Lagi nalang siyang tinitingala ng ibang karaniwang engkanto." ang sagot ni Dayang

"Ngunit siguro naman ay may iba pa kayong magagawa na mahika bukod sa halaman. At kung nagamit mo na iyon sana at sumapi sa samahan namin ni Evlicia ,siguro ay mataas na ang iyong posisyon at lumalangoy na ngayon sa kayamanan."

"Si Evlicia naman ay pawang pamilyar na sakin,may kaunting hawig na mukha niya yung batang nagligtas sa akin noong ikalawang digmaan. Sana nga na siya ang batang iyon ngunit napakatagal na ng pangyayari na iyon,nakakatakot kaya't medyo nabura na sa akin ang ala-ala."

Habang sila ay nagkekwentuhan ay biglang napansin ni Dayang ang malaking dahon na bangka sa may karagatan.

"Pahiram ng telescopio" ang utos ni Dayang

Nakita ni Dayang ang sinasakyan nila Dian Masalanta at ang kaniyang mga kaibigang hayop.

"Sinasabi ko na nga, si Dian, tumungo tayo papuntang kanluran" ang utos ni Dayang

"Papuntang kanluran!" ang pagulit ng tauhan ni Evlicia

Agad na pumunta ang sinasakyang bangka ni Dayang at ang mga tauhan ni Evlicia. Natuwa si Dayang nang makalapit na sila kila Dian. Agad naman na naglabas ng mahika ang mga tauhan ni Evlicia sa sinasakyang malaking dahon nila Dian.

"Ano yun !?" ang sigaw ng kaibigang usa ni Dian

Nagulat lahat sila at napailag

"Nasundan tayo ng tauhan ni Evlicia! Kumapit kayo" ang sigaw ni Dian Masalanta

Habang gumagamit ng mahika ang tauhan ni Evlicia, gumawa rin ng mahika si Dayang Sinukuan.

"Tignan natin kung makakaligtas ka sa gagawin ko Dian." ang sabi ni Dayang sa kaniyang sarili

Kinumpas ni Dayang ang kaniyang kamay sa taas at biglang binalot ng makakapal na ulap ang kapaligiran. Lumakas ang alon sa dagat at may tunog ng kulog na maririnig sa kanilang kapaligiran.

"Ano ang ginagawa ninyo diwata, tandaan niyo kailangan nating makuha si Dian, hindi mapatay." ang bigkas ng tauhan kay Dayang

"Huwag kayong makialam!" ang sigaw ni Dayang sa mga tauhan ni Evlicia

Kinumpas ulit ni Dayang Sinukuan ang kaniyang kamay at biglang may tumama na mabilis na kidlat sa kinaroroonan nila Dian.

"Dian!" ang sigaw ng mga hayop sa biglaang nanyare. Nalaglag sa bangkang dahon si Dian dahil sa gulat na ginawa ng kidlat. 

Pinilit ni Dian lumangoy papunta sa bangkang dahon ngunit napakalakas ng ahon na kaniyang lalanguyin. Nang mapalayo na si Dian sa kaniyang mga kaibigang hayop, wala na siyang magagawa kundi gumamit ng mahika. Binalot ng mga halamang dagat ang buong bangkang dahon upang walang tamaan sa mga kaibigan niyang hayop. Ngunit sa hindi inaasahang panyanyare, tinamaan ng mahika ng isang tauhan ni Evlicia si Dian sa kaniyang ulo at siya ay nawalan ng malay. Lumubog si Dian pailalim sa karagatan. Akala niya ay katapusan niya na ngunit bigla nalamang may humawak sa kaniya nang siya ay mawalan ng malay. Ang mga tauhan naman ni Evlicia ay agad kinabahan dahil nawala si Dian. Binalot ng hamog ang karagatan nang mapalayo ang mga hayop sa bangka nila Dayang. 

Wala na silang magagawa kung hindi ibalita ang nanyare sa kanilang pinuno na si Evlicia.

Samantala ang isa nating bida na si Dian Masalanta ay biyayang nakaligtas. 

Sumikat na ang araw sa buong paligid nang siya ay magising sa mabuhanging pang pang. Nakita niya ang isang dalaga na may gintong buhok habang siya ay inaalog nito.

"Gising ate,gising!" ang sabi ng dalaga habang inaalog si Dian

"Ugh, ah asan ako?"ang tanong ni Dian

"Niligtas kita sa paglunod mo, ayos ka lang po ba?"

"Oo maraming salamat..." natulala si Dian sa kaniyang nakita habang siya ay tumatayo sa buhangin. Tumambad sa kaniya ang katawan ng dalaga...

"Isang sirena! Maraming salamat sa pagligtas sa akin munting sirena."

"Walang ano man" ngumiti ang sirena kay Dian

"Ngunit bakit mo nga pala ako sinagip?" tanong ni Dian

"Uhm may nag- este, kusang loob lang na ginawa ko." ang nautal na sabi ng sirena

"Sandali lang, nasaan pala ang mga kaibigan kong hayop? Tinangay siguro sila ng malakas na bagyo!" ang pagaalala ni Dian

"Huwag kang mag alala, pumunta na sa kakahuyan ang mga kaibigan mong hayop. Saka pala, alam ko na rin na hindi ka tao."

"Paumanhin, ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Dian

"Isa kang engkanto, sino tao nga ba naman ang may kakayahang gumawa ng bangka na gawa mula sa dahon. Pero ang galing ha, hindi ka napaso sa tubig dagat." tumawa ang sirena pagkatapos niyang magsalita

Habang sila ay naguusap, nakita bigla ng sirena ang mga dalawang babae na paparating sa pang pang. Agad namang lumangoy ang sirena nang walang paalam.

"Teka sandali!" ang sigaw ni Dian dahil sa ginawang pag alis ng sirena.

Nang makalapit na ang mga tao kay Dian ay agad nila itong sinadya at naawa dahil sa punit-punit nitong damit at sugatang katawan.

"Tulong may sugatan na babae dito! Kawawa naman ayos ka lang ba dalaga?" ang tanong ng isang babae na may dalang banga."

Nagsimula namang nagsilapitan ang grupo ng kalalakihan at agad inalalayan si Dian na napa luhod dahil sa mga sugat nito. Agad nilang tinulungan si Dian Masalanta at dinala nila ito sa kanilang bahay nayon.

Samantala, sa parehong oras at pagkakataon, dumating na ang mensahero  nila Louis Ignatio at Evlicia. Magkahiwalay na lugar at sirili ngunit sabay nabigay ang balita na nagsimula na ang pagawa  ng portal sa mga nalalapit na isla sa Biringan.

Biringan: Ang Paghahanap sa Kristal na HalamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon