Kabanata 7: Ang Libro ng Propesiya

3 0 0
                                    

Samantala sa Biringan...

"Ano!? " ang sigaw ni Evlicia nang kausapin nito ang kaniyang tauhan

"Napatay ho ni Dayang ang diwatang magaling sa halaman. " ang sagot ng tauhan

*May kumatok sa pinto*

"Andiyan na po siya Panginoong Evlicia. "

"Andito na ho ako, Evlicia. " ang sabi ni Dayang

"Bakit mo pinatay ang diwata ikaw lintik na babae urrrghh!! "

"Pero!-" ang sabi ni Dayang

"Pero hindi pa tayo nakakatiyak na patay na si Dian Masalanta. Maaring nalunod siya sa dagat at napunta sa isang isla. " ang dagdag ni Intelligencia

"Paano mo nasabi Intelligencia?" Ang tanong ni Evlicia

"Ang libro ng propesiya, bagamat hindi nito malalaman ang estado o kinakalagyan ng bagay o nilalang ngunit alam nito ang mga manyanyare sa bagay o nilalang na tinutukoy. " ang sagot ni Intelligencia

"Sumunod kayo" ang sabi ni Intelligencia

Naglakad ang tatlo sa silong ng mansion ni Evlicia, sa kanilang paglalakad ay dumaan sila sa mga mahahabang pasilyo at sa bandang kanan na pasilyo ay binuksan ni Intelligencia ang pinto na hawig sa dingding sa pamamagitan ng pag galaw ng banga malapit sa pinto.

Duon ay tumambad sa kanila ang silid na may napakadaming libro at estante.

"Ito ang silid ni Intelligencia, samot-saring libro ang nakikita mo dito gawa man ng mga tao o engkanto. " ang sabi ni Evlicia kay Dayang

Sa bandang dulo ng silid ay may pinto na gawa sa bughaw na kahoy. Binuksan ito ni Intelligencia at duon ay nakita nila ang "libro ng propesiya".

Humarap dito si Intelligencia at nagtanong.

"Ipakita ang kinabukasan ng diwatang experto sa halaman. " ang bigkas ni Intelligencia

Biglang may lumabas na imahe sa taas ng libro at duon ay nakita nila si Dian Masalanta na hinahabol ang mga buwitre. Sa ikalawang imahe ay may nakitang bundok si Dian at sa ikatlong imahe ay nakita nila ang imahe ng gintong barko.

"Buhay pa ang diwata, maaring nakaligtas ito sa ginawa mo Dayang. Ang pagkaka alam ko ay sa bandang kanluran pumunta ang alon ng gabing iyon. "

Humarap si Evlicia kay Dayang at kinausap ito

"Makinig ka Dayang, bibigyan kita ng pangalawang pagkakataon upang hanapin ang diwatang experto sa halaman. Pumunta ka ng kanluran upang hanapin siya, wag kang magkakamali ulit naintindihan mo?! " ang sabi ni Evlicia

"Ang alam ko ay may paparating na na gumagawa ng portal sa kanluran, pwede mong gamitin ang portal upang mabilis na makarating duon. Paumanhin Evlicia, ngunit sasama ako sa mga engkantong gagaqa ng portal duon" ang dagdag ni Intelligencia

"Sige nawa'y magtagumpay kayo" ang sabi ni Evlicia

Umalis na sila Evlicia at Intelligencia at nahuli naman si Dayang Sinukuan, ginamit ni Dayang ang libro ng propesiya at nagtanong...

"Ipakita ang manyanyare sa kristal na halaman. " ang tanong ni Dayang

Umilaw ang libro ngunit walang lumabas na imahe dito.

"Sa misteryosong dahilan ay may kung ano mang mahika ang pumipigil  upang makita ang kristal na halaman. Halika na Dayang, malayo-layo pa ang ating lalakbayin. " ang sabi ni Intelligencia nang mapansin niya na hindi sumunod si Dayang.

Nang makabalik sila sa taas na pala pag, may binigay na telegrama ang isang tauhan ni Evlicia. Binuksan ito ni Evlicia at kaniyang binasa

"Binibining Evlicia, inaanyanyaan ka namin na lumahok sa nalalapit na pagpupulong tungkol sa Konseho, inaasahan ka namin na pumunta. Ooohhh may pakulo si Ignatio. " ang basa at sabi ni Evlicia

"Magugustuhan mo iyon Evlicia. " ang tugon ni Intelligencia

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Biringan: Ang Paghahanap sa Kristal na HalamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon