Mood 3

1.9K 59 9
                                    

Weekend.

Lumabas kami ni Janine. Typical date, of course. Pero kahit typical na date iba pa rin yung klase ng pakiramdam kapag mahal mo yung kasama mo. Effortless maging masaya. Kahit ata magtitigan at magngitian lang kami buong maghapon, buo na araw ko.

We went to mall and watched a movie. That time, she wanted to watch that particular romantic movie. E' mahal ko e. Umu-oo kaagad ako. Sumunod ako sa kanya sa pilahan ng ticket. Siya yung bumili ng popcorn and drinks. I bought the movie tickets. While she was away, I heard this group of women who are talking about that movie we were going to watch.

"Muntik na akong maiyak e. Patulo na yung luha ko e."

"Ito nga, naiyak talaga e." Turo ng babaeng nakatali ang buhok sa katabi nitong babae na nakasuot ng pulang blouse.

"Bakit naman ganon yung ending?" Sabi naman noong babaeng nakapulang blouse. Bahagya pang namamaga ang mga mata niya.

Naisip ko bigla si Janine.

Di rin nagtagal nakapasok na kami sa loob ng sinehan. Ako na ang nagdala ng drinks at popcorn. Hindi pa naman nagsisimula yung movie. Trailers of upcoming movie pa lang ang ipinalalabas at ilang paalaala. Hindi pa kami nakakadalawang minuto sa upuan ay nagpaalam akong aalis sandali kay Janine.

"San ka pupunta?" Tanong niya.

"Sandali lang ako. Wait here." I kissed her temple before I walked away.

Hindi lang iilang beses na nangyari na iyon. Dapat hindi ko talaga nakakalimutang magdala nyon. Nagmamadali akong nagpunta sa pinakamalapit na mabibilhan ko nyon. Nainis pa ako dahil ang haba ng pila sa cashier. I'm sure the movie was already starting. Baka nag-aalala na rin sa akin si Janine. O kaya naman ay naiinis.

I felt my phone shook.

Kinuha ko ang phone ko at binasa ang mensahe ni Janine.


From: The Most Beautiful Girl

Where are you? Nagsisimula na.


Hindi pa man din ako nakakapag-type ng reply ko ay may pumasok na namang message. Hanggang nagsunod-sunod na iyon.


From: The Most Beautiful Girl

Dalian mo, Romeo.


From: The Most Beautiful Girl

Nasa CR ka ba? Masakit ba tiyan mo?


From: The Most Beautiful Girl

After ten minutes kapag wala ka pa dito, aalis na ko.


From: The Most Beautiful Girl

I really want to watch this movie with you. :(


From: The Most Beautiful Girl

Pero kung ayaw mo nitong movie, you can just say so. Pwede namang iba nalang panoorin natin. I'm okay with it. :)


Kaagad na akong nag-type ng ire-reply rito bago pa siya magkaroon na naman ng bagong ideya kung bakit ako umalis at kung nasaan ako.

Ang Girlfriend Kong SumpunginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon