Mood 2

2.3K 66 1
                                    

I've been staying up late these past few nights. I've been studying my notes and doing advance reading. Kailangan kong makasabay sa klase. And I am aiming for scholarship. Not that I need it so bad but I want to lessen the burden that my parents are carrying. Isa pa, hindi lang naman ako ang nag-aaral sa kolehiyo kundi pati na rin ang kakambal kong si Romuel.

Magda-dalawang oras na rin akong naghihintay sa labas ng building nila Janine. Pagpatak ng alas syete ng gabi ay nagsimula nang magsidatingan ang mga estudyante sa kinaroroonan ko. Marahil ay mga pauwi na rin sila. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako at sumandal sa pader na naroon. Hindi ko na alam kung gaano kadaming estudyante ang lumabas sa building na iyon dahil abala na rin ako sa pagtext kay Janine.

To: The Most Beautiful Girl

Nasa labas lang ako ng building nyo. Dismissed na ba klase nyo? :)

Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya nagrereply. Napabuntong-hininga nalang akong nakatitig sa screen ng cellphone ko. Mangilan-ngilan nalang ang mga estudyanteng dumadaan at lumalabas galing sa building na iyon.

Ang ipinagtataka ko pa ay napapatingin sila sa direksyon ko. I decided to just ignore them but their blunt stares were bugging me. Hanggang sa sumuko ako at sinalubong ko ang mga titig nila. Nag-iwas ng tingin iyong mga babae at pasimpleng nagbulungan pa.

I really don't understand women, sometimes. Minsan talaga may mga bagay silang nakikita at nalalaman na hindi nakatakdang maintindihan ng isang tulad kong lalake lang. My thoughts were immediately cut off when I heard Janine's voice.

Oh finally, I get to hear her voice.

"Romeo!"

A smile quickly shrouded my lips as my eyes landed on her. Kaagad akong lumapit sa kanya. Napansin kong hindi sa akin nakapokus ang mga mata niya. But I decided to just ignore it because that's just something no need to be bothered about. I took her in my arms and kissed her cheek.

"How's your day, beautiful?" Tanong ko sa kanya. But instead of giving me an answer, she looked away with a frown. Kaagad na kumunot ang noo ko. "What's wrong, baby?"

Umiling-iling siya at kumapit sa braso ko. "Wala." Maikling sagot niya.

I stared at her, trying to figure out what's running on her mind. But then, I realized I don't have any special ability like reading someone's head. If there's really something bothering her, I know she will tell me.

Sumakay kami sa bus. Pinili naming ang pandalawahang upuan. She's sitting beside the window and I'm next to her. Sa bintana lang siya nakatingin. I paid our fare and it felt completely weird when she's not talking. I was sure then, that there's something bothering her.

"Baby?" I called her but she didn't even budge. Inakbayan ko siya ngunit hindi man lang siya natinag sa pagkakatingin sa bintana. Doon lang nakapokus ang tingin niya. Napabuntong-hininga ako. I want to talk to her and hear her voice. Namimiss ko ang kakulitan niya. Namimiss kong marinig ang mga bagay na nasa isip niya. If she doesn't want to talk, then I'd make her.

"Anong bang tinitingnan mo diyan? May mas gwapo pa ba diyan sa labas kaysa sa katabi mo?" I waited for her to smile or give me a smack for being so conceited. Pero mas sumimangot pa siya lalo.

"Hey, pansinin mo naman ako." Pangungulit ko pa sa kanya. "Sasayaw ako rito kapag di mo ko pinansin." I joked but she just gave me a glance before she turned to look at the window again. I let out a deep sigh.

Tinotopak na naman ang girlfriend ko.

"Alright, Janine. What's the matter?"

"Nothing." She said.

Ang Girlfriend Kong SumpunginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon