Mood 8

1.2K 47 1
                                    

I tried to talk to her several times. Pero palagi niya akong iniiwasan. After that one f—cking message, I never received anything from her.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba akong nagtext sa kanya o kung ilang beses akong tumawag nang hindi naman niya sinasagot. She's being unfair. Paano naming maaayos 'to kung ayaw niya akong bigyan ng pagkakataon? Ginagawa ko naman lahat ng gusto niya. Hindi ko naman alam kung saan ba ako may kulang.

If every woman would be lucky to have me, bakit si Janine, hindi ganon? Bakit hindi ko maramdaman kay Janine, ngayon iyon? I don't wanna doubt her love for me but she's making it hard for me everytime. Sa tuwing nag-aaway kami, ako palagi ang may kasalanan. Kahit kailan hindi ko ako nagreklamo. Pero nakakapagod din pala.

But I can't give up now. Mahal ko siya e. Maliit na di pagkakaintindihan lang naman ito kung tutuusin. Lumaki lang dahil ayaw niya akong kausapin. Pero ayoko siyang sukuan e. Kaya kahit na nagmumukha akong tanga sa kakahintay ng text niya, kahit na sinusungitan niya ako at hindi pinapansin, tinitiis.

Ganoon ko siya kamahal.

Siguro naman lahat ng tao gagawin lahat, titiisin lahat para lang sa taong mahalaga sa kanila. Eh ganoon kahalaga sa akin si Janine. Kahit pagod na pagod na ako kakahabol, ayoko pa ring tumigil.

Sinundo ko siya pero hindi man lang niya ako pinansin. Parang wala siyang nakita nang tuloy-tuloy na lagpasan niya ako. Napahiya ako lalo pa't sa amin nakatingin yung ibang estudyante. Minsan, di ko alam kung tinotopak lang ba tong si Janine, o nagsasawa na sa akin.

Hindi ko alam kung paano niya natitiis na ipahiya at pagmukhaing kawawa.

"Janine," Tinawag ko siya pero hindi man lang niya ako nilingon. Sinundan ko siyang maglakad. Madali ko din siyang naabutan. Kahit anong tawag ko ay hindi niya ako pinapansin.

"Janine, mag-usap tayo."

Pinigilan ko siya sa braso dahilan para mapaharap siya sa akin. Pagkakita ko palang sa mukha niya parang lahat ng tampo ko nahulas na. I missed her. I f—ckin missed her so much. Gustung-gusto ko nang magkaayos kami.

"Mag-usap tayo, please."

"Ano bang sasabihin mo? Sabihin mo na ngayon na."

I stared at her. There is no way I'd make a scene here. Hindi namin kailangang ibunyag sa buong mundo ang problema namin. This is so childish to begin with. Bago pa siya makapagreklamo, hinila ko na ang kamay niya papunta sa gilid ng building nila.

"Romeo, ano ba?!" Nagpupumiglas siya sa hawak ko. Parang diring-diri. Ang sakit na sampal sa akin non. Gusto ko nang sumigaw kung ano bang problema niya sa akin pero pinigilan ko ang sarili ko. I tried to keep calm. Kahit pa parang sasabog na bulkan na lahat ng gusto kong sabihin.

"Ano bang sasabihin mo?"

Tiningnan ko siyang mabuti. Sinalubong ko ang mga mata niya at kalmadong nagsalita.

"Hindi ko na kakausapin ulit si Pat."

"O' edi wow." Nakakainsultong sagot niya. Akma sanang tatalikuran na niya ako at aalis ngunit muli ko siyang pinigilan sa braso.

"Pwede bang kausapin mo ako ng maayos?" Mas malakas na ang boses ko nang magsalita. I want to keep my cool but Janine's making it f—cking difficult.

"Sabihin mo na kasi lahat ng gusto mong sabihin!" Sigaw niya. Fine. Nagulat ako nang sigawan niya ako. I know Janine is very impatient. Pero ang kausapin ako? Hindi ko alam hindi na pala niya kanyang i-tolerate ang kausapin ako.

Ang Girlfriend Kong SumpunginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon