Nagpalakpakan ang mga kaklase namin, kasama na ng mga panel of instructors na kani-kanina lang ay isinalang kami sa hotseat. Matapos ang presentation namin ni Patricia ay nakangiti kaming bumalik sa kanya-kanyang upuan. Nakipag-apir pa ito sa akin kanina.
"Galing nyo." Napatingin ako sa nagsalita. It was Julie. "Sana kami din."
Ngumiti ako sa kanya. "Kaya nyo yan. Goodluck." She smiled back. Sila na ang sunod na magpe-present pagkatapos ng isa pang pair.
I immediately took my phone out and texted Janine.
To: The Most Beautiful Girl
Presentation delivered successfully. Thank you Janine!
Kaagad akong nakatanggap ng reply sa kanya.
From: The Most Beautiful Girl
Congrats. Bakit ka nagte-thank you?
To: The Most Beautiful Girl
Because you let me stay with Pat yesterday. Thank you. :)
From: The Most Beautiful Girl
Ah, oo nga.
Nag-antay ako ng susunod pang text message galing sa kanya. It was unusual for me to receive a message like this from her. It feels empty and dull. Akala ko may susunod pa. Akala ko may idudugtong pa siya. Pero hanggang matapos ang klase ay wala na akong natanggap ni isang message galing sa kanya.
Naisip kong baka busy lang siya. I was hoping that it was nothing serious. Baka nga, busy lang siya. O baka tinotoyo na naman. It must be her mood swing again.
Nagkwentuhan kami ni Patricia kung gaano kami ka-overwhelmed na sa wakas tapos na lahat. Mataas ang nakuha naming grado doon. Malaking tulong iyon sa akin dahil naghahabol pa naman sana ako ng scholarship.
From time to time that I'm with Patricia, I was frequently checking my phone. Napansin ata iyon ni Pat kaya naman nagtanong siya.
"What's the matter?"
"Ha? Wala." Maikling sagot ko. Mabuti nalang hindi na siya nagtanong pa. Nagpatuloy ang mga sumunod na klase. Hindi ko na nakita ulit si Pat dahil magkaiba na ang klase at subject naming dalawa. Naka-free section kasi kami pareho.
Tapos na ang midterm exams ko pati na ang research paper namin. Balak ko sanang bumawi kay Janine. I want to make up for the lost time I didn't get to be with her. Kaya naman noong uwian ay nagmamadali akong nagpunta sa Quezon City. Pinuntahan ko yung nag-iisang tindahan na paborito niyang bilhan ng chocolate. Gustung-gusto niya ang black chocolate roon. Iba't ibang klase ng tsokolate ang binebenta roon.
Kailangan kong makabalik agad para masundo si Janine. I was planning to surprise her. Siguradong gaganda ang mood niya mamaya.
Habang papunta ako roon ay naipit sa traffic ang bus na sinasakyan ko. Akala ko sandali lang ang traffic ngunit lumipas na ang halos dalawampung minuto ay ni halos hindi kami umusad kung nasaan kami kanina. Nagpasya akong bumaba nalang kahit wala pa ako sa destinasyon ko.
Bahala na.
Lalakarin ko nalang. Pwede ring hindi. Tatakbuhin ko nalang. Baka hindi ako umabot. Baka hindi ako makabalik agad para sunduin si Janine. Tinanggal ko ang polo shirt ko at inilagay sa bag upang hindi madumihan. Naka-t shirt naman ako kaya okay lang iyon. Halos takbo-lakad ang ginawa ko hanggang sa makarating ako kung saan wala nang gaanong traffic.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Sumpungin
Ficción GeneralAng love story na may toyo. [BOOK 1] HR: General Fiction #419