Days went by so fast.
Hanggang ang mga araw na iyon ay naging mga buwan. Midterm exams na namin this coming weekend. Puro departmentalized ang mga exams namin. Naging abala ako sa pagrereview at paghahanap ng mga review materials. Halos hindi na kami magkita ni Janine. Sinusubukan ko pa rin ang makakaya kong ihatid siya pauwi palagi. Even though I was physically and mentally drained, I tried.
Ilang beses na rin niyang sinabing pwede namang hindi ko na siya ihatid. But I insisted, anyway. I'm overprotective, yes. Pasensya, seryoso lang.
Naging abala na rin siya sa mga exams niya this week. Hindi na kami gaanong nakakapag-usap sa tawag dahil kailangan naming pareho ang mag-aral at magpahinga. But sometimes, we do late night talks. Para lang makapag-update sa mga bagay-bagay na nangyayari sa isa't-isa. Kahit pa minsan, nakakatulugan na niya akong kausap. If I were only beside her, I'd hug her tight and kiss her goodnight. Aayusin ko ang pagkakakumot niya at itatabi ang cellphone niya.
Sometimes, she has to stay up all night just to finish certain requirements and review all the necessary coverage of her exams. Kaya minsan, nag-aabala akong puntahan siya sa kanila kahit gabing-gabi na para lang dalhan siya ng mga pagkain para hindi siya antukin.
The coffee failed miserably in keeping her awake. But sweets? Never.
Nagagalit pa siya sa akin dahil gabing-gabi na ay pinupuntahan ko pa sya. Her parents were okay with it only that, just like Janine, they were concerned about me, going home late. Halos dalawang oras kasi ang byahe ko mula sa bahay nila Janine papunta sa amin.
And oh, yes. Ganoon din halos kalayo ang bahay ko mula sa University na pinapasukan naming dalawa. Although, just to be with Janine, it doesn't matter how far or how long the ride I'd spend.
I was busy reading a book for my major subject when Julie approached me.
"Hey," Bati niya. She smiled a bit as well.
"Hey." I greeted back. Napakamot pa siya sa ulo na para bang nag-aalinlangan. "Ano yon?" Tanong ko.
She then grinned at me. "Ano kasi... manghihiram sana ako uli ng notes, kung okay lang." Nahihiya pang sabi niya. I took my notes out of my bag and handed it to her.
"Okay lang. Tapos ko na rin naman i-review yan." Malawak siyang ngumiti sa akin at inabot ang notebook ko.
"Thank you a! Balik ko din bukas." Sabi niya. Tumango lang ako bago bumalik sa pagbabasa.
Sa isang minor subject ko, hindi departmentalized ang exam roon kaya naman hindi na iyon kasama sa mga ite-take kong exams sa weekend. Nakipag-deal ang instructor namin sa amin. A by-partner project or a hundred item exam. Maraming nag-aggree sa project dahil may partner naman. Ang ilan ayaw lang talagang mag-exam. So the majority practically won the deal.
Dahil by surname ang paring ay si Patricia Alvarez ang naging partner ko. Patricia was nice. She coordinated well and shared her ideas. Mayroon kaming halos dalawang linggo pa para tapusin ang research paper naming dalawa. Since, bawal siyang maki-overnight—and that would be very awkward since I'm a guy—mas maaga akong pumapasok palagi para pag-usapan namin at maasikaso namin ang research paper na iyon.
Nang minsang nasa library kami habang pinagtatagpi-tagpi ang mga impormasyong nakalap namin ay natanong niya ako.
"Girlfriend mo ba yung Julie?" Nagulat pa ako sa tanong niya. Of all people, bakit si Julie?
"What? No." I declined.
"Ah, akala ko lang. Parang siya lang naman kasi yung babaeng kinakausap mo sa klase natin. Well maliban sakin dahil partner-in-crime mo ako."
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Sumpungin
General FictionAng love story na may toyo. [BOOK 1] HR: General Fiction #419