"Dali na Romeo! Gusto ko non e! Gusto ko talaga non! Gustung-gusto!"
Napakamot ako sa noo. "Why do we have to wear something like that?"
"Para cute. Sige na baby boy. Please."
Ilang beses na akong pinipilit ni Janine na bumili kami ng couple bag. She wanted that bag printed with a woman while the other bag was printed with a man. Nakokornihan ako sa mga pinapagawa niya sa akin. Pero wala naman akong magawa, mahal ko e. Korni talaga magmahal. Pero mas baduy kung di ka magpapakorni para sa taong mahal mo.
The next day nagpunta nga kaming Mall at binili yung bag na yon. She wanted me to use it at school. Hindi ba ako mapagkakamalang bakla sa disenyo ng bag na to? Hindi naman pwedeng maglagay ako ng placard sa likod ko na couple bag ito.
Pero nong makita ko kung gaano siya kasaya, kung gaano ka-genuine yung ngiti niya, lahat ng reasons para umayaw, lumipad na sa bintana. Tuwang-tuwa siya habang tinitingnan kaming pareho sa salamin habang suot-suot yung bag.
"Ang cute natin. Ang sweet." Kinikilig pang sabi niya. "Sa susunod, couple shirt naman!" Dugtong pa niya.
Di bale na nga kung magmukhang korni, basta sakin lang kikiligin si Janine.
Pumasok kami nang ganoon nga ang bag na gamit namin. Noong una hindi naman napansin iyon, hindi rin naman ako masyadong kilala sa building namin. Hanggang punahin iyon ni Pat dahil kahit siya ay natuwa sa disenyo ng bag.
Ugh. Women.
"Hala, ang cute naman nito Romeo. Ano to? Bigay ng girlfriend mo?" Malakas pang sabi niya. Nagsitinginan tuloy sa amin yung mga classmates namin. Wala na akong nagawa kundi ang sumagot nalang.
"Hindi. Naka-couple bag kami."
"Ay ang sweet!" Bulalas niya.
Yung ibang classmates kong nasa harap ko, halos puro babae kaya nakitingin din sila. Nakikiusyoso. Nagtatanong kung sinong namili ng disenyo.
"Ang sweet nyo naman." Sabi ni Erica. "Ilang taon na ba kayo?"
"Almost five years." I answered. Nagtilian ito at ang mga kasama nito.
"Ang cute naman! Highschool sweethearts pala kayo. Grabe, maniniwala na ba akong may forever?" Sabi ni AJ.
"Saan ba nag-aaral yung girlfriend mo? Mas magandang tingnan yan kapag magkasama kayo." Ani ni Ronalyn.
"Dito din siya sa nag-aaral. Nasa kabilang building lang siya." Sagot ko.
Natigil lang sila sa pagtatanong nang dumating na ang professor namin. Nagkanya-kanya kaming balikan sa maayos na pagkakaupo. Kilala kasing istrikto ang professor naming ito. Hanggang sa di rin nagtagal ay nagsimula na ang makadugong utak na klase.
A day before our presentation, Pat and I became too busy to finished everything. Ilang araw na rin akong puyat sa pagpupumilit na matapos lahat ito. Hindi na rin kami halos nakakapagkwentuhan ni Janine. Of course I told her about the project but I didn't mentioned about Pat. Baka kasi magselos siya. Nangyari na iyon dati noong first year college kami nang mabanggit ko iyong kagrupo kong babae.
Kahit sa school ay busy kami ni Pat. Wala akong break time pero siya mayroon. I decided to skip a class to help her with our report. She said, I shouldn't have skipped my class but I already did. Wala na rin siyang nagawa.
Nasa canteen kami dala-dala ang laptop naming dalawa.
"Kumain ka muna sandali, ako muna gagawa nito." I suggested.
![](https://img.wattpad.com/cover/43113253-288-k308234.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Sumpungin
Fiction généraleAng love story na may toyo. [BOOK 1] HR: General Fiction #419