Mood 7

1.2K 48 0
                                    

Hindi pa rin ako pinapansin ni Janine mula kagabi. I've been texting her since I got up. Pero kahit isang reply hindi siya nag-abalang bigyan ako. I tried to call her, but she never answered. Ayoko namang puntahan siya sa bahay nila dahil siguradong malalaman lang ng parents niyang nag-away kami. Misunderstanding lang namang ang punot-dulo ng away na to. Alam kong maaayos namin to ni Janine. If only she would talk to me. If only she'd give me a chance to explain.

To: The Most Beautiful Girl

Can we at least talk?


To: The Most Beautiful Girl

Janine, please...


To: The Most Beautiful Girl

Sumagot ka naman sa mga tawag ko o'.


To: The Most Beautiful Girl

Please baby, hindi ko gustong nagkakaganito tayo.


To: The Most Beautiful Girl

If this is about Pat, then fine. Hindi ko na siya lalapitan pa uli o kakausapin. I'm sorry. Wag ka nang magalit sakin. Please, Janine. Kausapin mo naman ako.


Malalim na napabuntong-hininga ako nang pagkatapos pa ng ilang minuto ay hindi pa rin sumasagot si Janine. Ang alam ko sa mga oras na 'to nasa klase pa siya. Susunod ay break time niya. I was hoping that the moment she read my messages, she'll call me back. Or at least, text me back.

Gusto ko nang magkaayos kami.

Ilang araw na nga kaming hindi gaanong nagkasama, mag-aaway pa kami ngayon. Kung kailan namang hindi na hectic ang schedule namin pareho. Natigil ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Julie. Nang tingalain ko siya ay nakangiti siya sa akin.

"Layo ng iniisip a." Puna niya sa akin. Tipid na ngumiti ako.

"Medyo." Maikling sagot ko. Matagal bago siya nagsalita pero bigla nalang niyang inabot sa akin ang notebook ko.

"Yung notes mo pala. Sorry, ngayon ko lang naibalik. Ang busy kasi natin kahapon, nawala na lang sa isip kong ibalik yan sayo."

Inabot ko yung notebook mula sa kanya.

"Okay lang."

"Salamat a'. Pasensya na rin kung palagi akong nanghihiram sayo ng notes." Nahihiyang sabi pa niya.

"Okay lang." Parehong sagot ko kanina.

Nang wala na siyang ibang masabi ay umalis na siya at bumalik sa sarili niyang upuan. Hinintay ko nalang dumating ang instructor namin. Late dumating si Patricia. Mukhang tinanghali siya ng gising dahil ang gulu-gulo pa ng buhok niya. After fifteen minutes, hindi pa din dumadating ang instructor namin. Some of my classmates, decided to just left the room.

I was looking at Pat, thinking what I will say to her. Parang hindi kasi tama kung bigla ko nalang siyang iiwasan. I'd look like a jerk that way. Samantalang okay pa kami kahapon. And she did help me with our presentation. Kung hindi rin dahil sa hardwork niya hindi kami makakakuha ng mataas na grado.

But I love Janine.

If this is the only way for us to settle our fight, then I have to cut off my acquaintance with Pat. Hinintay kong magsilabasan ang iba pa naming classmates. Nang iilan na lang kaming natira ay nagdesisyon na akong lapitan si Pat.

Ang Girlfriend Kong SumpunginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon