Last week after ko ma stalk si Jash na realize ko na parang crush ko na siya.
Gusto kong pigilan at sabihan ang sarili ko na "No,Hindi pwede".Pero gusto kong hayaan yung nararamdaman ko na maramdaman kung ano talaga ang gusto ko at kung sino yung hinahangaan ko.
Kung hinahangaan ko or crush ko yung mukhang tambay na yun eh di go.Eh crush natin kung yan ang gusto ng self ko.Pero hanggang crush lang.At dapat kami lang dalawa ng self ko ang makakaalam at wala ng iba.
Nakayuko akong lumalakad sa corridor papunta sa campus.Late na ako pero chill lang akong naglalakad.Medyo tulala ako o lutang.Paano ba naman lumabas na yung grade ko sa dalawang subject na major ko.Sa FUNDA RLE 2.75 lang yung grade ko pero hindi pa siya na finalize kasi may quize pa ako na kukunin.So pwede pa mapalitan yung 2.75 ko.While my H.A. RLE ay 2.25.
Sino hindi malulungkot kung dalawang 2 ang mag wa-wave ngayon week mo.Kinakabahan pa ako kasi nangangamoy 2 din yung ibang major ko.Hay dapat pala nag-aral nalang ako without expectation kasi ang sakit.Parang walang saysay yung pagrereview ko.
"Kesha?!"Napaharap ako sa likod ng marinig ko ang pangalan ko.
Hindi ko siya namukhaan ng una kasi medyo nag blurred yung paningin ko siguro dahil kulang yung tulog ko.
Jash?Tanong ko sa isip ko ng mamukhaan ko siya.Hindi ko naman pwedeng isigaw yung pangalan niya.
"Kesha nilakad mo lang?"Tanong niya.
"Opo"Sagot ko.
"Mula Jaro?"Takang tanong niya.
Mukha ba akong naglakad mula Jaro hanggang dito?Ganito na ba ka stress nang look ko kaya napagkamalan akong naglakad mula Jaro hanggang dito.Ang layo kaya nu'n.Isang oras din na paglalakad.
"Hindi,Sumakay ako tapos bumaba ako dun"Sabay turo ko kung saan ako bumaba"Bye!"Pamamaalam ko.
Wala na akong time makipag chikahan kay Jash kasi late na ako sa second subject ko.
Nag wave na ako sa kanya para umalis at nag wave din siya sa akin.Wow feeling ko close na kami kahit hindi naman.
Sumandal lang ako sa balikat niya tapos ngayon parang close na kami.Yung mga ibang sinandalan ko nga hindi ko na kilala siya naman to gusto pa atang maging friend ako.
Pero masaya ako kasi naalala niya pa ako at nag "hi" siya sa akin na parang close kami.Nagulat din ako kasi alam niya name ko kahit hindi naman ako nagpakilala sa kanya.
Pinansin niya pa ako.Yung medyo malungkot kong araw naging masaya dahil sa kanya.
Noon pinapangarap ko lang na sana magkita kami sa campus at sa hindi inaasahang pagkakataon nagkita kami at siya ang unang pumansin sa akin.
Yes hiniling ko talaga na sana magkita kami.Hindi ko akakalain na magkikita talaga kami kasi magkaiba kami ng schedule.
Hay crush ko na talaga yung tambay na yun.Noong una medyo naiinis pa ako sa kanya.Ngayon parang gusto ko na siyang makasama at makasabay umuwi araw-araw.Ngayon in my eyes he's so handsome kahit hindi naman talaga.
Final na ba self?Crush ko na ba yun?Hindi na ba magbabago?Pwede pa naman mag backout.
Pero ganun talaga crush can't see imperfections.Kaya kahit ganun yun si Jash na mukhang hindi marunong mag-alaga sa sarili nagustuhan pa din siya ng puso ko.
Ano kaya mukha ko pagkakita niya sa akin?Mukha ba akong binagsakan ng langit at lupa?Mukha ba akong stress?Na insecure tuloy ako baka kasi panget ako ng nakita niya ako.Nakayuko pa naman ako.Baka iniisip nun may kyphosis ako.Hay bahala na ang mahalaga pinansin niya ako.
Before ako makalayo sinulyapan ko muna siya pero hindi ko na siya nakita kasi naharangan ng mga ibang students.
Thank you God for making my wish come true.
After ng class namin sa H.A. LEC ay vacant ko na.1:30-3:00pm yung vacant ko kaya sa Library ako magtatambay.
Anong gagawin ko sa library?Matutulog.Mula prelim naging tulugan ko na yung Library.
Hindi ako nakaramdam ng antok kaya nag review nalang ako sa Contemporary world.Si Sir kasi hilig magpa recite.Mabuti ng may alam kasi gawain natin yun as a student.
After ko mag review nag open ako ng Facebook and thank God I have internet here in library.
Nag chat si Sir P.E. na mag prepare daw kami ng index card.
Kinakabahan ako kay Sir.First meet palang namin kasi sa kanya kasi simula noong nakaraang buwan hindi pa namin siya na meet kasi busy siya sa dinagyang,and degree niya.
Ngayon pa lang namin siya ma-me-meet at medyo nakakakaba si Sir kasi nakita ko na siya sa fun run namin ka saturday.Ang jolly niyang teacher pero parang ang strict.
Nawalan na ako ng internet.Padami na kasi yung students dito sa library.
Lumabas na ako ng library para may time pa ako maghanap ng 1/2 na index card.
Nasa phinma hall na ako at madami ng students dito para mag P.E.
Hinanap ko kung may ibang course dito baka kasi nandito din sila Jash.
Nilibot ko paningin ko at halos nursing lang nakita ko.
Ngayon kaya P.E. nila or hindi?
Siguro nasa Gym sila at hindi dito.
Teka nga lang bakit ko ba siya hinahanap hindi ko naman siya hinahanap noon ha.
Hay nadagdagan tuloy iniisip ko.Ang hirap pala magkaroon ng crush nadadagdagan yung iniisip ko.
Written by Binibining_Longhair
YOU ARE READING
On His Shoulder
Short StoryI'm a girl na palaging nakakatulog sa byahe.Ilang balikat na ba ang aking natulugan?Ilang balikat na ba ang sinandalan?Hindi ko na mabilang.Sa dami ng aking napahingahan na balikat kahit isa wala akong nakilala.Sumandal lang ako sa kanila kahit wala...