Tapos na ang aming retdem at I'm so very proud to my self dahil nalampasan ko to.Akala ko noon hindi ko kaya.Akala ko hindi ko kaya Mang inject pero kaya ko pala.
Lahat ng akala kong hindi ko kaya noon, ngayon ginagawan ko ng paraan at nilalakasan ko yung loob ko para makayanan ko lahat.
Bumalik na kami sa main campus namin at pagdating sa room wala na si Sir.
Hindi daw nag class si Sir,magpahinga daw kami.
"Ate bili tayo water sa taas"Wika ko sa CL namin.
Pumunta kami sa fifth floor para mag refill ng water.Wala kasing tindang water bottle dito sa school.Dapat may baon kang tumbler at refill -refill lang ganun.
Pagdating sa fifth floor ay nakita ko agad si Jash pero hindi niya ako nakita kasi nakatalikod siya sa akin.
Halatang makulit talaga si Jash at masasabi kong tambay talaga siya.Sino bang matinong lalaki yung nasa labas ng room at parang may ari ng hallway kung makapaglakad.
Pumasok siya sa loob ng canteen kasama yung classmates niya.Mukhang siya pa ata leader sa mga kalukuhan.
Pumasok na kami sa canteen at ang lapit sa akin Jash.
Hindi ko siya pinansin at hindi niya din ako pinansin.
Nahiya atang pansinin ako or baka hindi niya lang alam kung paano ako pansinin.
Ugali ko talagang wag mamansin kung hindi ako unahan lalo na kung nakakaramdam ako ng awkwardness.
Hinihintay ko lang na pansinin niya ako bago ko siya pansinin.
Nakita niya kaya ako?Or baka naman hindi.
Hindi pa rin sila lumalabas ng canteen.Siguro naghahanap pa to ng shempo para pansinin ako.
After ilang Minutes ay kinurot niya ako sa wrist.Pero mahinang kurot lang.At napatingin ako sa kanya.
"Nandito ka na naman"Wika niya.
At hindi ko siya pinansin.Lumabas na siya ng canteen at pinagmasdan ko lang siya.
Halos gusto ko nalang bumagsak yung katawan ko.
Pagod ako dahil sa retdem kanina.Pagod ako kakaisip ng mga quizzes mamaya.Tapos nadagdagan pa yung pagod ko ng marealize na mali ata ang ginawa ko.
Mali atang hindi ko siya pinansin.
Sana pinansin ko siya.
After ba ng pangyayaring ito papansinin niya pa kaya ako?
Ano kayang naramdaman niya?
Lumabas na kami ng canteen at nakita ko si Jash na nakikipagtawan at nakikipagkwentuhan sa isang babae.
Habang palapit kami nakikita ko yung mukha ng babae.
May make up ang babae at masabi kong maganda din siya.Pero for me she's not.Hindi yan ang basehan ko ng kagandahan.
Siguro mga tulad niya yung gusto ni Jash na babae.Kasi yung girlfriend niya parang katulad din ng babae na kausap niya.
Ako kasi mukhang batang enosente.
Napaupo ako sa upuan ko at napabagsak nalang ang ulo ko sa armchair.
Feeling ko kahit sino pwedeng magkagusto kay Jash kasi sobrang friendly niya at yun yung ayaw ko sa isang lalaki yung sobrang friendly.Yung hindi mo alam kung yung ginagawa niya ba ay dahil gusto ka niya or dahil friendly lang talaga siya.
Dahil diyan my feeling is now signing off.Hindi ko na siya crush.Masyado siyang green flag.Gusto kong flag yellow.Kasi yun yung favorite color ko.
Written by Binibining_Longhair
YOU ARE READING
On His Shoulder
Short StoryI'm a girl na palaging nakakatulog sa byahe.Ilang balikat na ba ang aking natulugan?Ilang balikat na ba ang sinandalan?Hindi ko na mabilang.Sa dami ng aking napahingahan na balikat kahit isa wala akong nakilala.Sumandal lang ako sa kanila kahit wala...