After final exam ay napagdesisyunan namin ni Marie umuwi sa lugar namin.
Naka clinical uniform ako habang si Marie naka skirt na black and white top.
Meron akong dalang back pack and paper bag.Malaki ang paper bag na dala ko kasi lamang nun ay bedsheet ko.Sabi kasi ni mama dalhin ko daw sa bahay para siya ang maglaba.
Nag jeep kami papuntang terminal.Napunit pa yung paper bag ko kasi tinulungan kasi kami kanina ng isang pasahero at ayun.Accidente niyang napunit yung paper bag ko.Ayos lang naman sa akin because I know na hindi niya sinadya ang nais niya lang ang tumulong.Kawawa tuloy yung paper bag ko.Parang pulubi na yung paper bag.
Pagdating namin sa terminal ay napatingin ako kay Marie.Meron kasi siyang sinabi kaso hindi ko narinig.
"Huh?"Takang tanong ko.
"Sabi ko si Jash.Ayon"Wika niya sabay turo.Napatingin ako sa tinuturo niya at may nakita akong lalaking nakaupo.Naka kulay asul siyang shirt at school ID.
Sa una hindi ko siya namukhaan or baka hindi lang siya nag sink in sa utak ko.Kasi hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito.Nakaupo pa siya na akala mo pagmamay-ari niya yung buong terminal habang nakadotdot sa cellphone.
"Hi Jash!"Malakas at masigla habang may ngiti at tuwa na wika ni Marie.
Mag hi sana ako kaso napatingin ako kay Marie at narealize ko na.Oo nga pala wala pala akong karapatan.Hindi naman ako kaibigan at mas lalong wala kaming nakaraan.Im just a stranger to him.
Tahimik nalang akong sumunod sa likod ni Marie habang siya masiglang lumapit kay Jash.
Napatingin siya sa akin.
"Aba uuwi yung mga nursing"Pabirong bati ni Jash
"Opo uuwi na kami.Sem break na kasi namin"Sagot ni Marie.
"Hanggang kailan yung sembreak niyo?"Tanong niya and this time sa akin siya nakatingin.Alinlangan naman ako sumagot.
"Hanggang mid ng November"Maikling sagot ko.Hindi sana ako sasagot kaso ang bad ko naman kung ignore ko siya.
Sumunod lang ako kay Marie kung saan siya pupunta.Gusto ko pa sanang kamustahin si Jash kaso baka isipin ni Marie na may gusto ako sa ex niya kaya pinigilan ko yung sarili.
"Uuwi ka din?Sino kasama mo?"Tanong ni Marie.
"Marami akong kasama.Mga nursing din sila tulad niyo"Sagot niya
Paano naman siya nagkaroon ng friends o kakilala na nursing eh BSBA ang lalaking to.Ang layo naman ata ng BSBA sa nursing.
Pero hindi rin naman makakapagtaka.Napaka friendly naman talaga ng taong to.Baka friends nga sila.Bakit hindi ko alam na my mga friends pala siyang nursing?At bakit ko naman malalaman close ba kami?D
Mi ba hindi.Wala pang van kaya naghintay muna kami.
Napatingin ako sa likod at may nahagilap yung mga mata ko.
Nanlaki yung mga mata ko.Nagmamalik mata lang ba ako?
Hanggang na confirm ko ng nilagay ng lalaki yung hintuturo niya sa labi sabay sabing quite lang daw ako.
At napasigaw na ako.
"OH MY MARIE!"Malakas na saad ko at napatingin sa akin yung mga tao.
"Bakit?"Takang tanong ni Marie.
"Your boyfriend is here"Wika ko sabay turo sa kanya.
At ayon nakita na nila ang isat-isa at sobrang saya.
YOU ARE READING
On His Shoulder
Short StoryI'm a girl na palaging nakakatulog sa byahe.Ilang balikat na ba ang aking natulugan?Ilang balikat na ba ang sinandalan?Hindi ko na mabilang.Sa dami ng aking napahingahan na balikat kahit isa wala akong nakilala.Sumandal lang ako sa kanila kahit wala...