Ribbon's POVIm now at the back of this building, the Archi. Bldg. Absent si Prof Maydussa kaya 2 hours pa bago ang susunod kong klase. Nagbabasa ako ng Asawa Ko Raw Siya na sinulat ni Liiiyanyan, nakakakilig si Zero grabe!
Okay, back to where I came from, wala kasi masyadong nagpupunta dito... grassland kumbaga, blue grass ang nakatanim sa lupa dito at may puno ng acacia. Isang linggo na rin mula noong lumipat ako dito sa Hell High, wala akong kaibigan dito bukod kay Rendell na hindi ko naman alam kung nasaan ngayon.
"A-ah... excuse me po." Nakakita ako ng isang pares ng sapatos sa harap ko, tumingala ako para makita ko siya.
"Ah, eh... may kaylangan ka ba?" Tanong ko sakanya. Mahaba ang buhok niya na kulay brown at kulot ito. Ang cute niya.
" Uhm.. itatanong ko lang po sana kung saan yung building para sa freshman students." Transferree siguro siya. Monday ngayon so baka ngayon ang unang araw niya.
"Pasensya ka na ha..." Tumayo ako at pinagpagan ang palda ko." Hindi ko din alam e." Hindi naman kasi ako naglilibot libot dito mula noong dumating ako kaya hindi ko rin alam kung nasaan yung sinasabi niya, sa laki ba naman ng University na to e.
"Ganun po ba... sige po salamat."
"Pero kung gusto mo. Sasamahan kitang maghanap." Sabi ko at nginitian siya. Chance ko na rin to para makapag libot.
"Talaga po!? Thanks ate! Ako nga po pala si Ela. Lauren Mikaela Salvador." Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nagpapakilala siya.
"Im Ribbon. Pleased to meet you."
Nakarating kami sa quadrangle.
"Ate, bakit po walang tao?"
"Hindi ko rin alam. Weird." Lumingon lingon ako sa palagid ng may maramdaman akong kakaiba.
Nakakita ako ng ilang mga students na nagtatago sa may halaman may mga hawak silang---
"Sh*t!"
"Ate?"
"Ela takbo!"
"Po?"
"I said run! Now!"
"Pero ate---- ahhhhh!!!!"
Shems! Binabato na nila kami ng itlog. Nagsilabasan na yung ibang mga students at walang sawang binabato kami. Sa di kalayuan nakita ko di Jarred na nakangisi at may hawak ding itlog. Arrrgh!
Kahit ang lagkit lagkit ko na ay iniwan ko si Ela at nagmartsa palapit kay Jarred. Inuubos niya ang pasensya ko!
"Hoy lalake!!!" Sigaw ko. Sigurado akong siya ang pasimuno nito. Troller siya e, what do you expect?
"Ano nanamang pakulo ito ha?!"
"What? That's the way of our warm welcome onto that freshman transferree." Sabay turo niya kay Ela na nakaupo sa gitna ng quadrangle at tulad ko, punong puno din ng itlog.
"But that's bullsh*t!"
"No. Thats our way sweetheart. Kasama ka lang niya kaya nadamay ka. Look your smell isn't good now. Better take a wash." Sabay kindat niya saakin.
"Jerk!" Sigaw ko at inagaw ang hawak na itlog ni Shaunrei, kaibigan niya. Kung paano ko nagawa iyon... hindi ko rin alam.
"F*ck!" Napamura siya ng basagin ko sa noo niya yung itlog. His oh-so-ever-handsome-as-hell-face.
"Serves you right! Hindi pa tayo tapos!" Sabi ko at hinila si Ela. We headed our way through Ladies Room. Ang lagkit lagkit ko na! Argh!
"Ano... s-sorry po."
"No. Its not your fault."
"Its my fault Ate Ribbon. Sorry po talaga." She really feel sorry. Napabuntong hininga nalang ako.
Pumasok na ko sa Shower Room at ganun din siya sa kabila. Kumuha din ako ng extrang damit sa locker ko. Kinuha ko din yung P.E. attire ko na Jersey Shorts at T-shirt na may logo ng Hell High. Eto nalang kasi ang extra ko. Wala naman daw pamalit si Ela. I hope that this would fit her.
"Ate, thankyou po sa damit. Ibabalik ko nalang po pagkatapoa ko ipa-laundry," she said.
"Okay lang." Tumingin ako sa relo ko at shemay! Malelate na ko sa subject ni Sir Bogca!
"Ano mauuna na ko Ela. Okay ka lang ba talaga?"
"Opo ate. Uuwi na rin po muna ako. Parating na po ying driver namin. Thankyou po."
"Sige bye. Ingat!"
"Kayo din po!"
Then she waved.
Tinakbo ko na yung corridor kahit medyo madulas at kapag may nakakita saaking staff ng school na tumatakbo sa hallway ay sigurado akong Red Slip ang abot ko. Pero malelate na talaga ako sa klase ko kay Sir Bogca.
Hinihingal kong binuksan ang pinto ng classroom. As usual kapag late ka sa klase center of attraction ka. Yung lahat nakatingin sayo na para bang suspect ka sa isang krimen. -.-
"So....rry....Im... late!" Hinihingat kong sabi.
"Please enter the room now Ms. Sanderson, nakakaabala ka na sa klase ko kung tatayo ka lang diyan." Mataray na sabi ni Sir Bogca, bakla kasi siya.
"Sorry po Sir Boca."
"Mally. Call me Sir Mally."
"Opo Sir Mally Bogca." At nagtawanan ang mga classmate ko. Ang sama naman ng tingin ni Sir Mally Bogca. What?!
"SILENCE!!!!" sigaw ng bakla. Ay! Ni Sir Mally Bogca pala.
Umupo na ako sa upuan ko at napatingin sa upuang na sa tabi ko. Bakante ito.
Where are you Rendell?
****************************************************************
End of Chapter...
To be continued...A/N:
Critics to the owner! Hi Ela! Nandiyan ka na. Hahaha.
Sorry po natagalan!
May Trailer/Teaser na po ang The Troller's Trap. Made by Ms. Kaminari. See the multimedia or watch on youtube by searching The Troller's Trap Trailer. Thankyou!
BINABASA MO ANG
The Troller's Trap
Teen FictionIm your worst nightmare baby, -Jarred ©All Rights Reserved