Ribbon's POV
"Goodbye and thankyou Teacher Clarence. Goodbye classmates, see you on monday~" Chorus na sabi ng mga bata dito sa grade 1. Why am I here? Sinusundo ko si Jaeron. Yep, grade one siya dito din sa Hell High. Ang kaso nakahiwalay sila saamin.
Magkahiwalay kasi ang elementary classrooms at highschool buildings dito. Syempre, palaging may gulo sa Hell HIgh, ayaw naming mapasama ang mga bata.
"Hey Ate Rigly." Cool na sabi ni Jaeron.
Sinamaan ko siya ng tingin at nag-peace sign naman siya. Ang cute~!
"Lets go." Sabi ko. "Rigly, you still have classes right?" Ano ba naman 'tong bata na 'to, parang ka-age lang niya 'ko kung magsalita siya. "Yeah... pwede naman na hindi pumasok. Wala namang masyadong gagawin." Friday kasi ngayon, at busy ang lahat sa paghahanda para sa Foundation Day.
"Stating the obvious. Naka-civilian ka e." Sabi niya. Naka white dress lang kasi ako. Ang init kasi. At presko naman 'tong damit ko.
"Go to your department ate Rigly, I called Mang Penoy already. Bye." Aba at!? *sigh* Oo yung driver namin na si Mang Penoy ay ang naghahatid sundo saamin ni Jaeron. Si Jarred naman, may sariling kotse yun. Nasaan na kaya siya ngayon? Teka, bakita ko ba siya iniisip.
Naglalakad ako sa may field malapit sa quadrangle pupunta muna ako sa canteen para tumambay.
*Ring* *ring* *ring*
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at nagriring. Obvious ba?
One new notification recieved
Tinignan ko yung bagong nag pop up na notification ng H. High
Picture yun ng cafeteria na gulo gulo at parang nagkaroon ng food fight. Wtf? Anong meron.
Tinignan ko yung isa pa. Mga vandals sa locker. "We are here?" Binasa ko yung mga nakasulat sa locker. Sila Jarred ba ang pasimuno nito? Binilisan ko ang lakad at nakarating na ako sa may quadrangle.
"Miss ilag!"
"H-ha-"
*splash*
A-a-ano to? D-dugo? Ayoko ng dugo! Nanginginig kong hinawakan ang liquid na natapon, ay mali... inihagis saakin. Malagkit to... anyone please... ilayo niyo 'to saakin...
"Miss okay ka lang ba? Pint color lang yan. Namumutla ka." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Ayaw na ayaw ko kasing nakakakita ng dugo. Pero anong meron?
"Bakit mo'ko binato ha?!" Sigaw ko sa lalaki. Ngayon ko lang siya nakita dito sa campus. At wow, his eyes are blue. At feeling ko may lahi siya.
BINABASA MO ANG
The Troller's Trap
Teen FictionIm your worst nightmare baby, -Jarred ©All Rights Reserved