"I love you Andy" sabi ni Lukas.
Hawak hawak ang bouquet ng roses na ibinigay niya sa akin. Walang mapagsidlan ang saya na naramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung deserve ko bang maranasan ito, ang magkaroon ng mabait at gwapong boyfriend.
Sa halos mag-iisang taon na namin ay di nagbago ang pagkikitungo niya sa akin. Hindi nawala ang sweetness niya sa akin kahit nong una pa lamang naming nagdadate. He always gives me flower and a lot of things na natatanggap ko bilang boyfriend.
He's loyal. Sa lahat ng najowa ko siya lang ang pinakaloyal sa lahat. Hindi niya ako pinagtakasilan kahit kailan. He's transparent sa lahat ng bagay kung pwede nga ay isama niya na rin ako kahit saan kami magpunta. At dahil don malaki nag tiwala ko sa kanya.
"I love you too" sagot ko Saka siya hinalikan.
Nandito kami sa loob ng apartment na tinutuluyan ko. Pumunta siya dito ng di ko inaasahan, surprise nga at nagdala pa siya ng bulaklak. Hindi ko maiwasang kiligin.
"Wala kayong pasok ngayon?" Tanong ko. Nakahiga kami ngayon sa kama at yakap yakap sa bisig niya.
" 1 pm pa ang klase ko at mamayang 4 may training kami sa varsity" paliwanag niya sakin. Tumango tango lang ang naging tugon ko. Hindi na naman bago yun, isa siyang basketball player sa university namin. Friday ngayon most likely tuwing biyernes sila nagpapractice.
" 1pm rin sakin, PE namin. Hintayin nalang kita pagkatapos "
" Baka magabihan ulit ako ayaw kung maghintay ka" nguso niya pa. Tumawa ako.
" Basta hintayin nalang kita, bibili nalang siguro ako ng hapunan natin."
" Gusto mo lang talaga akong makita maglaro at pawisan eh" biro niya pa sa akin kaya kinurot ko ang tagiliran niya. Nahirapan pa ako dahil may katigasan iyon.
" O bakit? Bawal ?"
" Hindi, don't you worry sayo lang to" hinawi niya ang suot na damit at ipinakita ang anim na pack ng abs. Umirap ako sa ginawa niya. Tawang tawa pa siya, dinampian pa ako ng halik sa labi.
Tiningnan ko ang orasan sa cellphone ko. Mag aalas dose na.
" Maliligo na ako" tumayo ako ngunit pinigilan niya ang kamay ko.
" Mamaya na " ang cute niya talaga pagganito siya.
" Baka malate ako sige na, umuwi kana rin at maligo"
"Dito nalang ako, Sabay nalang tayo" taas kilay niya.
" Baliw ka ba!" Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa pinto at saka dumiritso sa banyo. Tinawag niya pa ako , nagpupumilit na sabay nalang daw kami maligo.
Binasa ko ng tubig ang katawan at nagsabon pagkatapos. Ilang minuto rin ang itinagal ko sa loob ng banyo. Ang tahimik na ng paglabas ko, akala ko umalis na siya. Ngunit nang pagpasok ko sa kwarto ay naroon parin siya. At sa ngayon ay mahimbing nag tulog niya, iilang hilik pa ang narinig ko. Napangiti na lamang ako at pinagmasdan siya.
Kahit kailan ay di mapagkakaila ila na sobrang gwapo nga talaga ni Lukas. Isa siya sa mga heartthrob dito sa buong school lalo pa't isang siyang basketball player, varsity. Kahit mga babae at binabae ay pinagkakaguluhan siya. Sa tuwing naglalaro siya ay marami nagtitilian at nagsisigawan. Hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan niya sa akin.
Freshmen pa ako non. At wala akong halos kakilala except sa mga dating classmate ko noong high school na nag aral din sa kaparehong university na pinapasukan ko. Minsan akong inaya ng mga kaklase ko na manuod ng basketball sa gym. Sumama narin ako dahil wala din naman akong gagawin. Kaya pumayag ako.
" Tara na Andy magsisimula na ang game" ani ng kaibigan kong babae, si Ara.
"Oo" hinila nila ako papuntang gym. Medyo malapit lang naman din ang room ng subject namin ngayon kaya mabilis kaming nakapunta sa gym. Akala ko ba magsisimula na wala pa naman ang player.
BINABASA MO ANG
LA FAMILIA
Mystery / ThrillerAndy Mom had a terrible accident. Nasa ospital ang mommy niya nagpapagaling and suddenly may mga taong biglang nagpakilala sa kanya. Mga taong kahit kailan ay di niya pa nakita at nakilala, claiming that they're his family. Ang mga taong ito ay gust...