Prologue

875 32 0
                                    

" Andy I am your Father" he said to me.

Tila nanlamig ang aking katawan sa sinabi niya. Paano niyang nasabi na siya ang daddy. My daddy is dead.

Tiningnan ko siya ng mabuti. Makikita sa kanyang awra na hindi pangkaraniwan, malinis at gwapo. Sa suot nitong white long sleeve na hapit hapit sa malaki nitong katawan. May suot siyang relo. Mamahalin.

" Paano mo nasabing ikaw ang daddy ko?! Patay na ang daddy ko" Tinaasan ko siya ng tinig.

"Is that what she told?" Taas kilay siyang nagtanong. " Naghiwalay kami ng mommy mo ilang months ka palang " he said.

" Bakit?"tanong ko

"We're not healthy for each other"

" Kung Daddy kita, bakit ngayon ka lang nagpakita?!!" Himig na ang galit sa aking tinig.

" I'm sorry anak, gusto ko lang pagbigyan ang hiling ni Celina. Gusto niyang mabuhay na wala ako" pagpapaliwanag niya.

" Why? Because your a horrible person?!".

" Yes I am, and I'm very sorry anak. Nagsisi ako na pinakawalan ko kayo ng mommy mo "Kita ko ang kumikislap niyang mata.

"Umalis na kana" ....








Nasa likod ako ng kotse at mugto ang aking mga mata. Hindi ko parin matanggal ang nangyari. Sobrang sakit and now here I am papunta sa lugar na hindi ko alam kasama ang taong di ko naman gaanong kilala. Kahit pa Daddy ko siya.

Habang patagal ng patagal ang biyahe ay iilang kabahayan nalang ang aking nakikita hanggang sa mga puno na ito. Pataas ang daan na sa tingin ko ay bukid ang bahay nila.

Ilang minuto pa ang nakalipas at tumigil kami sa harap ng isang malaking gate. Bumukas ito at agad niyang pinaharorot ang sasakyan papasok. Ilang minuto ulit ang biyahe bago ko unti unting nakita ang bahay.

Napamangha ako sa laki ng bahay, hindi pangkaraniwan. Isang mansion, gaya nang mga nasa movie sobrang laki. May mga vine pang nakakapit sa gusali nito.

"Baba kana"

Lumabas ako ng sasakyan, sobrang laki ng bahay tila isang palasyo. Napangiti ako dahil sa pagkamangha. Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng ganitong kagara at kalaki na bahay .

May lalaking nakaformal ang lumapit sa amin.

" Welcome to Nefas Mansion Sir"......

LA FAMILIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon