Andy's POV
Nakatulog ulit si mommy matapos ang pangyayari kanina. Hindi ko siya halos maintindihan , ang mga salita na sinabi niya hindi ko mapagtanto kong ano ang gusto niya kung gawin.
" Stay with my father?" Is that what she said?. Gusto niya ba akong manatili sa daddy ko. Hindi ko alam. Gusto ko sana siyang tanungin ulit ngunit dumating na ang doctor at ininject nila kay mommy ang kung anong pampatulog.
" Just call us kung mangyari ulit ito. Kailangan niya ng pahinga" tumango ako at nagapasalamat sa doctor.
Agad silang rumesponde nang tinap ko ang botton sa gilid ng kama. Iyon ay para kung may emergency ay agad ko silang masabihan.
" Anong nangyari?" Pagkaalis ng doctor ay ang pagdating naman ni Tita Roxian. Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto.Naabutang mahimbing na natutulog si mommy habang ako ay nakaupo sa gilid niya. Nakahinga siya ng makita kami.
" Gumising lang si mommy at gustong tumayo kaya pinatulog siya ng doctor. Kailangan niya kase ng pahinga at hindi pa po siya pwedeng gumalaw galaw." Paliwanag ko .
" Mabuti naman." Umupo na rin siya sa isa pang silya na naroon sa loob.
" Ikaw Andy , umuwi kana muna " sabi niya sa akin at inilapag ang mga dala niya.
" Sige po tita kayo nalang muna bahala kay mommy" tumango lang siya.
Sobra akong nagpapasalamat sa kanya. Sobra sobra na ang ginawa niya para sa amin. Ang pagbabantay niya kay mommy. Alam kung may pamilya narin siya ngunit pinili niyang manatili dito. Hindi ko na alam kong paano susuklian ang kabutihan niya sa amin ni mommy.
Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na umuwi. Nagbook nalang ako ng taxi dahil maghahating gabi na wala na halos dumadaan na sasakyan papuntang sa lugar ng apartment ko.
Sa tahimik na kalsada ako nakatayo at naghihintay. Aabutin ata ng 15 minutes iyon taxi. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. May nakikita akong iilan ngunit wala na halos mga tao. Tumingala ako sa floor nasaan ang kwarto ni mommy. Naalala ko tuloy ang nakita ko kanina. Yung lalaki na nakasalubong ko sa sasakyan. At ang sasakyan na pinasukan nito na tantya ko siya dito sa bandang kinatatayuan ko ay iyon napark.
Ngunit wala na ito ngayon. Hindi alam but I feel uneasy about it.
Natigil ako sa pag-iisip nang dumating ang taxi. Agad akong sumakay. Mga 30 minutes din ang biyahe ko papuntang ng apartment. Tahimik narin ang lugar , hindi naman ako nag-aalala na may mangyari sa akin dahil sigurado akong safe ang lugar. Nasa loob ng subdivision ang apartment na tinutuluyan ko. Medyo may kamahalan ito ngunit si mommy kase ang pumili sabi niya mas safe dito. Hindi ko nga alam kong saan galing ang mga pera niya.
Halos nagbibigay niya mga kailangan at gusto ko. May sarili akong phone at laptop. Gusto niya nga bilhan ako ng sasakyan ngunit umayaw ako. Hindi ko alam kung ano talaga work pero assistant yata siya sa isang company nang minsa'y narinig ko siyang may katawagan sa phone.
Palagi niyang sinasabi sa akin na ang mahalaga ay masuportahan niya ako sa mga kailangan ko. Kaya masasabi kong napakaswerte ko sa kanya. Na siya ang naging mommy. At ngayon na nasa hospital siya hindi ko na ma imagine kong ano ang mangyayari sa akin kung sakaling mawala siya.
Wag mo nang isipin yun Andy. Think positive. Sabi ng doctor at kailangan lang niya ng pahinga at babalik narin siya sa dati.
Kinuha ko ang susi sa bulsa at binuksan ang pinto ng apartment. Hindi na ako nagulat nang makita ang iilang gamit ko na nagkalat sa loob. Minsan narin kase ako umuwi dito. Palaging sa hospital ang diritso ko galing school kaya hindi na ako nakakapaglinis ng apartment. May mga labahin pa ako na sobrang dami. Pwede ko naman tong ipalaundry ngunit nawala na ako ng time. Mabuti nalang may mga damit pa ako na susuotin.
BINABASA MO ANG
LA FAMILIA
Gizem / GerilimAndy Mom had a terrible accident. Nasa ospital ang mommy niya nagpapagaling and suddenly may mga taong biglang nagpakilala sa kanya. Mga taong kahit kailan ay di niya pa nakita at nakilala, claiming that they're his family. Ang mga taong ito ay gust...