Andy Pov
" Patay na ang daddy ko"
" Is that what she told you?"
" Hindi magsisinungaling ang mommy ko. Kaya lumabas kana bago pa ako tumawag ng pulis" galit na galit ako. Sa ilang taon naming dalawang magkasama ni mommy. Dadating siya at magpapakilalang daddy ko?!! For what?!
" I'm sorry kung nawala ako. I'm sorry anak" kita kong puno ng pagsisi at pagsusumamo ang attendance mukha niya.
" Bakit?"tanong ko
"We're not healthy for each other"he replied.
" Kung Daddy kita, bakit ngayon ka lang nagpakita?!!" Himig na ang galit sa aking tinig.
" I'm sorry anak, gusto ko lang pagbigyan ang hiling ni Celina. Gusto niyang mabuhay na wala ako" pagpapaliwanag niya.
" Why? Because your a horrible person?!"sumbat ko sa kanya.
" Yes I am, and I'm very sorry anak. Nagsisi ako na pinakawalan ko kayo ng mommy mo "Kita ko ang kumikislap niyang mata. Naiiyak narin ako at nasasaktan. Hiniling kong magkadaddy ngunit hindi ganito. He's dead.
"Umalis na kana" sabi ko sa kanyang naluluha na sa mata.
" Babalik ako anak" yun lang ang tanging sagot niya bago lumabas.
Napaupo nalang ako sa upuan dahil sa pangyayaring iyon. Lumapit sa akin si Tita Roxian at niyakap ako. Pagkabitaw namin sa isa't isa ay agad ko siyang tinanong.
" Alam mo ba ito Tita?" Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong naiyak.
" Kailan pa Tita"
" Noong simula. I'm sorry Andy. Gusto ng mommy mo na ilihim ito sayo. Ayaw ko naman siyang pangunahan" Puno ng pagsusumamo ang kanyang tinug
" Pero bakit Tita. Bakit kailangan niyo pang itago? Maiintindihan ko naman" basag na ang aking boses.
" I don't know Andy. Ang tanging sigurado ako ay para ito sa ikabubuti mo. I know she had her reason. Just trust her" she give a assurance na kailangan kong magtiwala kay mommy.
" Hindi naman ako galit sa kanya. Hindi ko lang matanggap na ngayon ko pa nalaman na buhay pa ang daddy ko while she's laying in bed." Tiningnan ko si mommy na tila ay mapayapang natutulog.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa makatulog. Nawalan na nga akong ganang pumasok sa school pagkadating ng bukas. Feeling ko namamaga ang mata ko. Ang bigat nito sa pakiramdam kahit katawan ko nga ay hindi nakikisabay. Tila walang lakas hindi makakilos.
Nang maalala ko nangyari kagabie naiiyak na naman ako. I still can't accept na buhay ang aking ama at nagkita kami kagabie. Hiniling ko na minsan na kahit sana sa maikling panahon ay makilala ko siya. Ngunit nang magkita kami kagabie hindi ko alam ang gagawin , hindi alam kung anong sasabihin. I don't even know where's my anger came from.
Pinilit kong bumangon pauwi sa apartment. Pilit narin kase ako ni Tita na pumasok ng school kahit na ayaw ko ay napilitan naman ako. She just concern.
Late na akong nakapasok sa isang subject. Dahil nga wala ako sa mood, sobrang bagal ng bawat galaw ko. Kahit ang pagtotoooth brush ay halos mag isang oras ako sa loob ng banyo. Mabuti nalang ay mabait ang instructor namin. Pasalamat nalang ako.
Sa kasagsagan ng pagtuturo ay hindi ko matuon ang atensyon sa sinabi ng instructor namin. Kahit na pilitin kong ituon ang sarili. Tingnan siya sa mga mata o kaya ang bawat galaw ng bibig niya. Hindi parin, wala parin ako sa sarili. Hindi ko na nga alam kong malakas ba Ang boses niya dahil sa pagkakarinig ko ay tila sobrang layo niya.
BINABASA MO ANG
LA FAMILIA
Mystery / ThrillerAndy Mom had a terrible accident. Nasa ospital ang mommy niya nagpapagaling and suddenly may mga taong biglang nagpakilala sa kanya. Mga taong kahit kailan ay di niya pa nakita at nakilala, claiming that they're his family. Ang mga taong ito ay gust...