Chapter 2

618 23 2
                                    

BEWARE:SPG!

"Nasan po si mommy Tita?" Tanong ko Kay tita nang makita ko siya sa hallway.

"Nasa loob ng OR" Puno ng pag aalala ang kanyang mukha kahit sa boses niya ay mahihimigan mo ang puno ng pag aalala.

" Ano pong nangyari, sabihin niyo po sa akin"

" Nasa mall kami kanina at nung patawid namin may biglang sasakyan ang lumabas, nahagip ang mommy " garagal ang boses niya.

" Nasan po yung sasakyan?" Tanong ko ngunit umiling siya.

"Hindi na namin nahuli"

" Wala bang CCTV?"

"Na ireport ko na police, don't you worry. Ako na Ang bahala don" tango lang naging tugon ko.

Hindi ko alam kung anong maramdaman ko. Nagagalit ako sa mga taong gumawa nito kay mommy ni hindi man lang sila nakonsenya. And the worst pa is hindi nila nahuli ang mga taong gumawa nito. Sana mahanap agad sila ng police , I want to see them in jail!!.

Sa kabilang banda ay sobra na ang aking pag aalala. Nanginig na ako ng hindi ko maipaliwanag, pinagpapawisan pa ako ng malamig kahit hindi naman mainit sa loob ng hospital. Pinaupo muna ako ni Tita Roxian dahil kanina lang ako palakad lakad balik, umupo ako sa tabi ,may nakalinyang upuan nahakalantara doon.

Gumalaw ang paa kong naghihintay na lumipas ang oras ngunit wala paring Doctor ang lumalabas doon. Halos tatlong oras na yata akong malunog sa kakahintay. Paminsan minsan ay nagbabadya ang mga luha ko ngunit agad ko namang sinapo. Napapansin iyon ni tita, hinayaan niya na lamang muna ako.

Sabay kaming napatayo dalawa ni tita nang bumukas ang pinto sa operating room at lumabas ang doctor don. Kakahubad pa lamang ng facemask niya ay agad ko na itong nilapitan.

"How's my Mommy doc?" Mabilis kong tanong.

" Kaano-ano kayo ng pasyente?" Mahinahong tanong niya sa amin.

" Anak niya po ako" nasa likod ko lamang SI Tita Roxian nakikinig sa usapan namin.

Nagbago ang hitsura ng doctor at bumuga ito ng isang malalim na hininga "Malaki naging impact ng accident sa ulo ng mommy mo, good thing na walang internal bleeding. But I'm sorry to tell this, comatose ang pasyente " tumulo ang luha ko sa aking narinig.

"No!!"hinahaplos ni Tita ang likod ko dahil panay na ang aking pag iyak.

" Magiging okay pa ba siya doc?" Si tita na ang nagtanong..

"There's a chance na hindi but let's hope na magising siya" sunod sunod ang kuha ko. No hindi pwede SI mommy nalang ang iyong meron ako. I can't lose her.

" Ano po ang dapat gawin? Ooperahan na naman mo po sya? Kahit ano po basta magising lang si mommy"

" We've done our part, ang maaring gawin nalang natin ay maghintay " sabi nito sa amin. Marahan itong nagpaalam ng hindi ko na pinansin pa. Puno ang isip ko sa pag-aalala kay mommy. Hintayin nalang daw namin silang lumabas dahil ilipat na daw siya sa private room.

Para akong nakalutang sa daan, hindi ko maramdaman ang ang inaapakan. Halo-halo ang aking pakiramdam ngayon. Nakahawak si Tita Roxian sa akin, inaalalayan ako. Siguro ay napapansin niya ring wala ako sa aking sarili.11 pm na hindi pa ako kumakain ngunit wala namang akong naramdam kahit ano, kahit gutom.

Pinaupo niya muna ako sandali sa gilid habang siya ay may inaasikasong papalis dito sa hospital, hindi ko alam kung gaano katagal. Basta hinila niya nalang ako ulit.

" Puntahan na natin mommy mo" tumango lamang ako at Wala sa sariling sumunod Kay Tita Roxian.

Nang makarating kami sa room, pinauna akong pumasok ni Tita. Unang tingin ko pa lang Kay mommy ay naiiyak na ako. Walang malay nakahaya sa kama ng hospital. Ang tunog ng hospital equipment ay tila nag eecho sa tinga ko. Puno ng sugat ang mukha niya, may bandage pang nakawrap sa may ulohan niya. Lumapit ako at hinawakan ang kamay ni mommy. Pinakiramdaman ko siya , pinagmasdan ang kanyang maamong mukha.

LA FAMILIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon