DF: V

35 3 4
                                    

~One by One~

-JHONALYN's POV-

"ANYAREE?"

Mahinang usal ko , na sa tingin ko ay kami lang ni Lorren ang nakakarinig ..

Panu ba naman kasi, nang makabalik na kami dito , agad na nagsisigaw ang tatlo .. Srsly? Mukha na ba kaming multo at ganyan sila makasigaw? Aba ang ganda naman naming multo .. tss

"Sabi ko anyaree?"

Pasigaw na sabi ko sa tatlo na nakadikit pa rin sa puno .. Ano bang problema nang mga to.. Agad naman silang umayos nang pagtayo at nagsimula nang lumapit sa amin .

"Hehe akala kasi namin kung ano na eh .  Pa thrill kasi kayo .."

Bungad ni Seth na halata sa hilatsa ng mukha na natakot nga .. May mga butil pa siya ng pawis sa noo.

"Bat ba kasi ang tagal niyo , tapos kung makapagpagalaw kayo ng damu .."

Ani Rhanna na kinakalma na ang sarili.. Ngeee malamang gagalaw yun nuh .. Naglalakad kaya Kami . Magtaka sila kung gumagalaw ang damu gayung wala namang naglalakad  ..

"Mga paranoid, tayo na nga magsimula na tayong maglakad palabas sa gubat na ito at nang matapos na ang pagiging paranoid niyo "

Sabi ni Lorren at agad kinuha ang mga gamit niya ..

Nagsisunuran naman kami, aba kung nakinig lang kasi kami sa kanya diba?

Nang matapos na at handa na ang lahat ay nagsimula na kaming maglakad pabalik ..

This is the most tiring summer i'd ever encounter .. Im telling you .. And the most horrible ..

-3Rd PERSON'S POV-

Kasalukuyan silang naglalakad sa madilim at madamong parte ng gubat nang bigla silang mapahinto ..

"Guys may nararamdaman ba kayo?"

Puna ni Zed sa mga kasama kasi alam niyang nararamdaman din ng mga kasama niya ang nararamdaman niya .. Mas lalo pa silang natakot at nag siksikan nang umalolong ang mga aso .. Nakakatakot. Nakakatakot para sa kanila ang ganoong sitwasyon .. Di nagtagal ay naramdaman nilang gumagalaw ang mga damo  na nakapalibot sa kanila ..

May umungol ..

Hindi lang basta ungol .. Isang nakakakilabot na ungol ang kumain sa katahimikan ng gubat
"Guys natatakot na ako!"

Mangiyak ngiyak na sambit ni Jhonaly at ni Lorren ..

Habang ang tatlo naman ay pilit na tinatatagan ang loob ..
Naghawak kamay silang lima at nagsimulang maglakad na magkahawak ang mga kamay ..
Nasa unahan si Zed at sinundan ni Rhannalyn habang hawak din ng mahigpit si jhonalyn na nakahawak din kay Lorren , si Lorren naman ay mahigpit ding nakakapit sa kamay ni Seth na siyang nasa huli ..

Nanlalamig , nanginginig at nangangatog ang mga tuhod nilang naglalakad ..

"Aray pesteng lamok naman oh"

At saka hinampas na kaliwang kamay ang parte ng paa na kinagat ng lamok, habang ang kanang kamay naman ay nakahawak kay Jhonalyn ..

Akmang hahawakan na din niya ang kamay ni Seth , ngunit ganun na lang ang pagkabigla niya nang lingunin ang binata na wala sa kanyang likuran ..

"SETH?"

Biglang sigaw ni Lorren at napabitaw sa pagkakahawak ni Jho. Napalingon naman ang tatlo at gayon din lang ang nadama nilang takot nang hindi makita si Seth na nakasunod sa kanila ..

Dark ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon