~The Saviour~
-Jhonalyn's POV-
"Jho iligtas mo si Lorren"
"Jho iligtas mo si Lorren"
"Jho iligtas mo si Lorren"
Tila sirang plaka na paulit ulit sa utak ni Jhonalyn ang mga salitang binitawan ni Zed sa kanya .
Di niya alam kung bakit , pero gusto niyang isakatuparan ang huling mga salita na binituwan ni Zed sa kanya.
Ayaw din niyang mauwi nalang sa wala ang isinakripisyo ng mga kaibigan niya para sa kanila.
Kaya nakatatak sa isip niya na kaylangan nilang makatakas sa madilim na lugar na ito ..
Gusto niyang maligtas ang natirang kaibigan niya .Kahit siya nalang ..
Para bang isang misyon na kaylangan niyang matupad at maisagawa ang iniwang salita ni Zed .
Ngunit kahit ganun , bukal sa loob na tinanggap ni Jho ang sinabe nito na iligtas si Lorren ..
Kahit natatakot siyang mamatay ay poprotektahan niya ang natirang kaibigan niya ..
Patuloy lang sila sa pagtakbo sa kawalan nang hindi sinasadya ay nadapa si Lorren .
At dahil magkahawak silang tumakbo ay nadala sa pagkatumba si Jho.
Hindi na nag aksaya ng oras si Jho at agad na tumayo. Kaylangan nilang tumakbo . Kaylangan nilang makahingi ng tulong .. Kaylangan niyang maisalba kahit man lang ang natitirang kaibigan niya.
Agad na inalalayan ni Jho na iupo si Lorren . Ngunit nang iniupo niya ito ay nakita niyang humagulgul ang kaibigan .
Kahit gusto niya ding umiyak, sumigaw at humagulgul ay hindi niya magawa .
Parang may pumipigil sa kanya na gawin ag bagay na hindi naman makakatulong sa sitwasyon nila ngayon .
"Let's go Bruuu, that won't help . We have to go on "
Alam niyang masakit para kay Lorren na iwan ang mga kaibigan nila pero , what should they do ?
They have to go on ..
"A-ayoko na! *hik*"
Dalawang salita na tila nagpabagsak sa tapang na pinanghahawakan ni Jho .
Hindi niya maaaring hindi matupad ang habilin sa kanya ni Zed .. Gusto niyang matupad yun .. Kaylangan ....
*pak*
Nagulat si Lorren sa ginawa ni Jho sa kanya .. Hindi niya alam kung bakit ginawa nito ang sampalin siya . Wala naman siyang naisip na dahilan para gawin sa kanya ng kaibigan niya yun..
"B-bakit moko ---"
*pak*
"Putang ina mo Jho anong problema mo?"
Di na nakapagpigil si Lorren at nasigawan na niya si Jhonalyn ..
"Gising ka na ba? Kung hindi pa , andito lang ako.. Ako ang gigising sayo!"
Pinilit ni Jho na hindi pumiyok nang sabihin niya iyon .. At nagtagumpay naman siya .. Ngunit kahit ganun, ay hindi pa din nakaligtas ang mga luha niya . Kusa itong tumulo kahit pinipigilan niya ito.
Nagulat naman si Lorren sa sinabe ni Jho . Tila siya natauhan nang makitang tumulo ang luha nang kabigan niya .
Napayuko nalang siya . Wala siyang kwentang kabigan . Yun ang pumasok sa isip niya . Kasi kahit anong gawin niyang wag isipin na kung hindi dahil kay Rhanna ay wala na sila ngayon , ay kusa itong pumapasok sa isip niya .
BINABASA MO ANG
Dark Forest
Mystery / ThrillerA supposed to be summer vacation will turn to a worst nightmare.. TRUST NO ONE .. even YOU'RE SELF.. Because once you enter on the DARK FOREST , you can never going back.