DF: X

25 3 1
                                    

-Lorren's POV-

"Bruuu, bruuuh gumising ka Lorren . Kaylangan mo nang umalis , malapit na siya .. Malapit na siya Lorren . Tumakbo ka na Lorren, takbo!"

Nakita ko si Rhanna . Naririnig ko pa nga eh . Inaalalayan niya ako patayo . Ginagabayan niya ang bawat hakbang ko .

Buhay si Rhanna . Buhay ang kaibigan ko ..

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa magandang lugar na iyon .

Ang sarap ng hangin .

Ang sarap sa lugar na to . Matiwasay . Walang problema . Walang katapusan ang saya . Walang mamamatay .

Mamamatay!

Nang maisip ko ang bagay na iyon ay nilingon ko ang kaibigan kong si Rhanna . Napangiti ako sa nakita ko . Kasama niya kasi sina Zed at Seth . Pareho ding nakangiti .

"Bunso . Mabuhay ka para sa amin ha . Panghawakan mo ang mga alaala na meron tayo para may lakas ka nang loob na harapin ang nangyayari sa iyo ngayon "

Huh? Bakit ganyan magsalita si Zed . Ano bang nangyayari?

"Dude anong nakain mo? Panis na monggo ba?"

Ngunit imbis na sagutin ang tanong ko ay ngumite nalang silang tatlo .

Lalapit sana ako sa kanila nang bigla nalang silang naglaho at napalitan ng pangyayaring nagpagising sa akin nang totoo .

"Rhannalyn!"

Sigaw ko habang namamawis na napaupo at kinabahan ..

Bigla ding sumakit ang katawan ko . Naalala ko . Nahulog pala ako .

Ngunit nang pumasok sa isip ko ang napanaginipan ko ay bumuhos na naman ang luha ko .

Pinahid ko yun nang kamay ko .
Masakit . Masakit na masakit .

Gusto nila akong mabuhay?

"Eh bakit niyo ako iniwan?"

Habang hawak hawak ko ang dibdib ko ay humagulgul na talaga ako . Para akong batang iniwan nang magulang .
Parte na kasi sila nang buhay ko . Karugtong na sila ng bituka ko .

"A-ayaw ko na , g-gusto ko nang umuwi . Gusto ko nang m-makaalis sa madilim na gubat na 'to . G-gusto ko pang ma-mabuhay !"

Kaya napakasakit para sa akin ang lahat . Lalo pa't may pagkakamali akong nagawa .

"Akala niyo ba madaling mabuhay ? Nang iwan na nga kayo tapos uutusan niyo pa ako ? Namumuro na kayo ah. P-pektus y-you want?"

Di ko na talaga kinaya at napahiga na ako . Pinabayaan ko nalang ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko .
Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon ako umiyak ng umiyak .

"Jho? *hik* asan ka na jho? Hindi ko *hik* hindi ko kayang m-maging matapang , asan ka na Jho ,asan ka na . Hanapin mo ako p-please .. Please "

**

- 3rd Person's POV -

Hindi namamalayan ni Lorren na habang umiiyak siya ay may nagmamatyag sa kanya .

Dahan dahan itong lumapit sa dalaga at pinagmasdan ito .
Nakatulog na ang dalaga . Dahil sa sobrang pag iyak , pananakit ng katawan at pagod ay hindi na niya nagawa pang maka alis sa pinagbagsakan niya nang nahulog siya.

Dahan dahan naman siyang inakay ng nakakita sa kanya .

Dinala si Lorren sa isang kubo na medyo tago , ngunit doon pa din sa loob ng madilim na gubat .

Dark ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon