DF:XVII

41 2 1
                                    

-3rd Persons POV -

Isang nakakarinding sigaw ang gumising sa mahabang tulog ni Jhonalyn .

Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niyang nasa isang tent siya . Ibinaling naman niya ang kanyang paningin kung saan nagmumula ang liwanag . Isang de bateryang lampshade ang nagbibigay ng ilaw sa buong tent .

Nanlaki naman ang kanyang mga mata at agad na napaupo ng ma reyalisa ang kung saan siya ngayon .

Tinignan niya ang kanyang sarili . Nagpasalamat siya at walang nangyari sa kanya . Napansin niya din ang sugat nuya sa braso na nakabenda na .

Naagaw naman ng pansin niya ang sigaw ng babae na halatang natatakot na . Dumungaw siya sa siwang nang tent para lang magulat sa nakikita .

Dalawang lalaki at dalawang babae . Magkakatabi ang mga ito sa gitna ng mga tent na nakapalibot sa kanila .

May isang halimaw na nakatalikod sa kanya at meron ding isa na nakaharap sa apat .

Halata na sa mukha nang isang babae na natatakot na ito . Nanginginig na din ito at nakayakap lang sa isang lalaki . Hindi nan makikitaan ng paglabahala ang isang pares na sa tingin ni Jhonalyn ay magkasintahan ata . Parang hindi sila natatakot sa kaharap.

"Oh mama, i dont gusto to be patay na huhu. Please make tulong tulong us huhu!"

Napangiwi nalang si Jho sa paraan ng pagsasalita nang isang babae .

"Keep quite Jm , or ill gonna cut you're fucking tounge!"

Malamig namang sambit ng babaeng katabi nito .

Cool.

Sambit nalang ni Jho sa isip at sinimulang
Maghanap ng pwedeng gamitin laban sa halimaw . Hindi pwedeng magtago na lang siya sa loob at hayaan ang mga tumulong sa kanya na mamatay nalang sa labas .

Sa paghahalungkat niya sa gamit nang mga taong di niya kilala ay nakita niya ang napaka-usefull na armas sa oras na iyon . Agad niya itong kinuha at dali daling lumabas sa tent .

"Aaaaaaaaaaaaah!"

Sigaw ni Jho dahil sa gulat nang bumungad sa kanya ang mukha ng halimaw na may tarak ng kutsilyo sa leeg at sa gitnang parte ng noo.

Napatingin naman sa kanya ang apat na naging dahilan para magkaroon ng pagkakataon ang halimaw na sumugod .

Nataranta naman si Jho at agad tumayo . Itinutok niya ang baril sa halimaw . Ngunit hindi niya ito maasinta nang mabuti dahil nasa likod ito nang apat .

Nanlaki naman ang mata ni Leila nang makitang hahambalusin na siya nang halimaw nang dala nitong palakol. Agad naman siyang niyakap ni Jhay para sanggain ang palakol na tatama sa kanya anu mang oras .

Bigla binundol nang takot ang buong katauhan ni Leila nang mga oras na iyon . Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang gumalaw . Parang naparalisa ang katauhan niya sa maaring mangyari sa mahal niya .

"Jhaaaay/Chuaaaaa"! -Jm/Chris

*bang*

**

Isang putok ng baril ang nagpatigil sa tumatakbong si Clyde . Kanina pa siya naghahanap kay Lorsen . Simula nag tanungin niya sina Leila ay di na siya nagdalawang isip at sinimulang hanapin si Lorsen nang mag isa .

Hindi nalang niya binigyang pansin ang putok na iyon at nagpatuloy nalang sa paghahanap . Iniisip niyang baka mangangaso lang yun at may nakitang hayop .

Sinubukan niya muling isigaw ang pangalan ni Lorsen ngunit wala pa ding nagpapakita kahit anino man lang .

"Babe saan ka ba kasi nagpunta!?"

Dark ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon