DF:XIV

22 2 2
                                    


-3RD PERSONS POV-

"Miss? Miss , yo~ di ka namin ni rape mi---"

*pak*

"aray ko naman Singkit! Isa na lang Chua, isang isa na lang tal---"

*pak*

"Problema mo Chua?"

Sabay himas ni Chris sa ulong binatukan ng kanyang kaibigang si Jhay .

Napabuntong hininga naman si Jhay dahil sa inaakto ng kaibigan   . Di pa din ito nagbabago . Mahangin at mahangin at mahangin at mahangin pa din ito .

"Wala akong problema Gomez, ikaw ? Baka may problema ka?"

Tanong nito sa kaibigang patuloy pa di ang paghimas sa ulo ..

Bigla naman napaisip si Chris sa mga problemang hinaharap niya .

"Kung problema lang ang pag uusapan dude , isa lang naman eh ! Yun ay kung panu ko kayo mapapaniwala na gwa----asdffghjk!"

Hindi na natapos ni Chris ang sasabihin niya ng bigla ay sangsangan ni Jhay ng damo ang bibig niya .

Agad niya naman tong dinura at tumingin sa kaibigan niyang ngayon ay binubuhat na ang dalagang walang malay.

"Hoy Chua, iiwan mo nalang ang pinakagwapo mong kaibigan dito?"

Sigaw ng binata habang tinuturo pa ang sarili .

"May paa ka Gomez, uso sumunod!"

Sagot naman ni Jhay na hindi na inabalang lingunin ang kaibigan niyang mahangin pa sa bagyo .

Napayuko naman si Chris at napakamot nalang sa batok nang mapagtanto kung anong klaseng tanong ba ang lumabas sa kanyang bibig.

"Pasalamat nalang ako at gwapo ako! Hehe!

Bago nagsimulang maglakad ang binata papunta sa kaibigan niya ay di sinasadyang nahagilap nang kanyang mga mata ang mga anino sa likod ng puno.

Akmang lalapitan na niya ito ng bigla ay tinawag siya ni Jhay.

"Anjan na!"

Binalewala nalang ng binata ang nakita at nagsimula nag tumakbo papunta sa kaibigan niyang si Jhay .

Nang makalayo na sila ay lumabas naman ang apat na taong may dala ng sarili nilang patalim . Di din mapuknit ang ngisi na gumuhit sa kanilang mga nakakadiring mga labi.

Agad silang gumapang sa mga puno at tahimik na sinundan ang kabataang kanina lang ay kanilang minamatyagan .

**

-Zed's POV-

Kanina pa ako palipat lipat ng tingin sa dalawang babaeng kasama ko . Ako lang ba to, oh talagang may hindi ako alam sa nangyayari ngayon?

Aaargh . Ang hirap talaga intindihin ng mga babae .

Kanina pa kaya tahimik dito . Panis na nga ang laway ko sa kakatulog, mas lalo pang napapanis dahil sa dalawang to.

May tampuhan ba to oh anu?

Tss. Of course.

Base sa mga sinabe ni Rhanna kanina, malamang may ginawang hindi maganda si Lorren sa kanya . Hmmm .

"Hoy kayong dalawa, tumingin nga kayo sakin!"

Pambasag ko sa nakakabinging katahimikan .

At kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya ko , malamang sa malamang , kanina ko pa pinag untog ang dalawang babaeng to.

Dinedma ako .. DEDMA NILA AKO!

Dark ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon