Maurine Lucy Pov:
"Clarissa miss na miss ka na ni Zia oh, yung chocolate din daw ni baby Lucian asan na?.."Pagbibiro ko pa pero nanatili itong nakatingin sa kawalan as usual.
"Bestie.. bumalik ka na saamin namimiss na namin ang mga kalokohan mo oh.."
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.
"D-di ka ba napapagod sa pagiging ganyan? Hoy, Clarissa! Naririnig mo naman kami diba? Di mo ba kami namimiss?" Pigil emosyon na tanong ko.
"B-bestie..malapit na kaming i-ikasal ni Dave..next month na besh..pero *sniff* h-hindi naman ako papayag na magpakasal nang wala ka.."
Hinawakan ko ang kamay ni Liza dahil nagsisimula na naman itong umiyak.
"N-narinig mo ba yun Clarissa? Hindi magpapakasal si Liza kung hindi ka pa maayos diyan.. k-kaya pag ito nag tandang dalaga kasalanan mo.."Baling ko pa.
Napalaki ang mga mata ko ng humigpit ang hawak nito sa kamay namin ni Liza.
"O-oy Mawi.. naramdaman mo yun?"
Naiiyak akong napatango.
THE LAST time kasi na bumisita kami dito, wala pang any signed of recovery si Clarissa, pero ngayon.......
"Oy Clarissa, tignan mo kami oh..m-magsalita ka naman diyan, naririnig mo naman kami eh.."
Ikinulong ko ang mukha nito sa mga palad ko para harapin nya ako pero nanatiling tagos saakin ang mga titig nitong walang buhay.
"D-di ka nga natulog, g-ganyan ka naman..o baka ayaw mo lang talaga saamin kaya di mo kami pinapansin.."Pagtataray ko.
"B-bestie yung babies mo super brave kaya dapat ikaw din.."
Yumakap na dito ng sobrang higpit si Liza, maging ako rin.
"Hoy Clarissa! Marami ka nang utang na chocolate kay Lucian..sisingilin talaga kita pagbalik mo.."Pagbibiro ko pa.
"Oy Mawi, baka di na tuloy bumalik nyan si besh.."
I chuckled.
"Babalik yan, di nyan matiis ang mga anak ko eh.."Pagmamalaki ko.
"B-bestie, tandaan mo nandito lang kami for you ah! Mahal na mahal ka namin.."
"T-tama na ngang drama Liza!"
Napapunas ako sa mga nangingilid kong mga luha.
"Tignan mo si Liza Clarissa oh daming drama!"Usap ko at maingat na hinaplos-haplos ang tiyan nito.
"M-miss ko lang si besh eh.." Nakangusong usap nito at nakihaplos narin sa tiyan ni Clarissa.
NAPALINGON kami sa automatic door ng bumukas at pumasok si Prince kasama sina Dave.
"Lunch is ready guys.."Usap ni Dave.
Nagkalingunan kami ni Liza tsaka tumayo narin kasi lumapit na si Prince kay Clarissa.
"Paano si B-bestie?.." Tanong ni Liza.
'Oo nga, nakakakain ba sya?'
"Si Prince na ang bahala sa kanya Sweetie.." Usap ni Dave.
Nilingon ko si Prince pero di man lang kami nito pinansin, nanatili lamang itong focus sa asawa nito.
'Bumalik na si Prince sa dati....the former Prince Ashler Kei Lee'
"S-sige besh..sa labas muna kami" Usap ni Liza.
I sighed.
"Sige Clarissa..later ulit" Usap ko narin.
YOU ARE READING
Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...