Chapter 207: Painful Month

94 3 0
                                    

Maurine Lucy James Pov :

[[ 🔸MONTHS LATER 🔸]]

"Ate Zia! Niluto ko para sainyo oh!"

"Wow mukhang masarap!"

"Talaga? Eh si mom— si mommy mo magugustuhan nya rin kaya iyan?"

"Oo naman favorite yan ni mommy eh!"

"Talaga?"

Naparolled eyes ako tsaka pinili nalang na muling bumalik sa kwarto.

Oo! Nandito yung bastardo ni Gael, dito mismo sa pamamahay namin!

NAGULAT nalang ako na sa pag-uwi nya noon kinagabihan ay kasama nya na yung bata dahil iniwan na daw ito sa kanya ng sariling ina.

Sa totoo lang ayuko sa bata,
pero ang sabi ni Gael saglit lang naman mananatili dito yung bata. Kung ibang bata lamang iyon ay ok lang kahit dito na tumira, pero yung batang iyon?Satuwing nakikita ko ang pagmumukha nun ay kumukulo ang dugo ko dahil nga sa hindi galing saakin ang bata and worse is mas kamukhang kamukha pa ng asawa ko kaysa sa sarili kong mga anak!

[*Knock! Knock!*]

"Mommy!"

Napalingon ako ng pumasok si Zia.

"Oh bakit anak?" Nakangiting tanong ko pero naglaho ang mga ngiti ko ng makita yung kinamumuhian kong bata sa likuran nya.

"What is he doing here?"Malamig na tanong ko.

"Mommy nagluto po sya ng adobo para saatin. Promise, sobrang sarap!"

Pansin ko nga na may dala-dala itong plate na may lamang adobo.

"N-niluto ko po para—"I cut him off.

"Busog ako."Malamig na sagot ko.

"Mommy tikman mo lang po..promise kahit busog ka magugutom ka ulit!"

Napahilot ako sa sentido ko.

"A-ate..mamaya nalang busog pa kasi—"

"Hindi, patikman mo dali!! Mommy please kunti lang.."

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang paglapit saakin ng bata.

"Ito mommy oh.."

Kumuha ng kunti si Zia gamit ang kutsara tsaka itinapat sa bibig ko.

"Zi—" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng sinubo na iyon saakin ni Zia.

Napapikit pa ako at no choice na ngumuya.

"Ano mommy? Masarap diba??"

Nilunok ko na iyon.

'Oo masarap nga pero mas lamang ang pagkamuhi ko diyan sa bata!'

"Ano mommy?? Comment please.." Pangungulit ni Zia.

"Pwe! Ano bang klaseng pagkain iyan!" Asik ko sabay tinabig ang plate na dala nung bata.

**Blaggshh!**

Naglikha ng tunog ang pagkabasag ng plate tsaka nagsikalat ang karne sa sahig.

"Tignan mo ang ginawa mo! Nagsikalat sa kwarto ko ang basurang dinala mo!" Duro ko dito, tsaka hinablot ang braso nito.

"Mommy t-tama na po nasasaktan na sya!"

"S-sorry p-po l-lilinisin ko nalang po.."

Pabarag ko itong binitawan kaya natumba ito sa sahig.

"E-erwan ok ka lang?"

"Zia! Tignan mo ang kapatid mo sa kabila baka gising na iyon!" Utos ko kay Zia.

Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite Where stories live. Discover now