Chapter 221: Date's with husbands

114 5 1
                                    

Lhezandra — Haru Pov:

"Wohoh!! MALAYA here we go!!!" Pagsisisigaw ni Mawi sa kabilang kotse.

"Wait for us MALAYA!!" Sigaw ko narin na napapikit pa.

Ang sarap² ng simoy ng hangin!

Nasa bubong kasi kami ng kanya-kanyang kotse while ang mga asawa namin ang driver hehe.

Red sport car ang sinasakyan nila besh while black naman kina Mawi and blue saamin.

"BESTIE!!!!"

Sigaw ni besh na nakalingon na saamin.

'Nauuna na kasi sila..'

"BESTIE hehehe!" Sigaw ko muli.

"Wohhhh!!!"

"Ahhhhhhh hahahaha!!!"

Ang ingay-ingay ni Mawi pft!

"Are you ok there sweetie?"

Napa sign of thumbs up ako kay Dave.

Hindi naman kasi masyado kabilisan magmaneho si Dave kaya hindi ako nahihilo, para sa safety narin daw namin ng mga babies ko. Ang fresh din ng simoy ng hangin kasi napapaligiran ang kalsada ng mga punong kahoy kaya hindi nagiging sensitive ang ilong ko.

Nakaka-aliw nga sa paligid.

"Wahh! Dave malapit na tayo!!"Excited na baling ko ng matanaw na di kalayuan ang beach.

Ang ganda-ganda ng kapaligiran nakaka-aliw pagmasdan!

PAGDATING namin ay napaawang agad ang bibig ko.

"Hala, tayo-tayo lang ba dito Dave?"Manghang tanong ko.

Wala kasi ibang mga turista maliban saamin eh.May iilang mga staffs lang din di kalayuan na kumaway at nagsiyukuan saamin pero di na lumapit dahil lahat naman ng mga gamit namin ay ang mga naka men-in-black na ang nag dala.

"Welcome to freedom beach!" Sigaw ni besh na nagpatawa saamin.

Napailing-iling lang si Prince while may sinusupil na mga ngiti sa labi tsaka inakbayan si besh at hinagkan ang sentido nito.

"Welcome sa beach ko!" Baling ni Mawi.

"Wala ba kayong pagkain dito Madam?" Tanong ni Bestie.

"Maraming isda sa dagat manghuli ka nalang hahaha!"

"Ay pass pft!"

"Are you hungry hm?" Malambing na tanong ni Prince kay besh.

"Busog pa ako hehe..pwede na akong maligo?"Tanong ni besh dito.

"Hm, ok.."

"Yes!" Masayang baling ni besh at tinanggal na nito ang suot nitong jacket, malamig kasi sa byahe kaya naka jacket talaga kami.

Naka white summer dress nalang ito.

'Actually, same² kami na white hehe!'

"Clarissa!" Nakangising asik ni Mawi na parang may kung anong binabalak.

"Game!" Baling ni Bestie.

'See sa mga mata sila nag-uusap! *pout!*'

"One two— WAHHHHHHH!"

Tumakbo silang dalawa at nagpaunahan patungo sa may dalampasigan pero ako naiwan huhu!

"Ang daya nyo!" Reklamo ko.

Kasi naman di ako makatakbo.

"Ey honey be careful!" Sigaw ni Prince at tumakbo narin patungo sa direksyon.

Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite Where stories live. Discover now