Cleress Xiashin Lee Pov:
🍂FLASHBACKS:🍂
Malapit na..malapit na malapit na sana pero biglang may tumakip sa bibig ko.
"Tu—hmp!" Di ko na natuloy ang sigaw ko dahil may biglang tumakip sa bibig ko.
Tuluyang nawala ang katiting na pag-asa na natitira sa puso ko.
'Im so sorry Azhi'
"Do you think you can escape from us huh?" Dinig ko sa nakakatakot na boses na likuran ko tsaka inagaw ang baril na hawak ko kanina.
"Hmp!"
Buong puwersa kong inapakan ang paa nito kaya nabitawan ako, umikot ako at sinipa ito kaya bumagsak ito sa lupa subalit dahil sa sobrang nahihilo at nanghihina narin ako ay natumba rin ako.
"A-ah.."
Napahawak ako sa ulo ko.
'Nahihilo ako'
"D1e!"
Pag lingon ko ay parang tinakasan ako ng kaluluwa ng makitang nakatutok na saakin ang baril nung lalaking naka mask.
'Patawad babies, patawarin nyo si mommy.Patawad Azhi, patawad mahal ko.'
Ipinikit ko na ang mga mata ko na pawang handa na ako sa kamat@yan ko but...
*Blaghs!*
Agad kong naimulat ang mga mata ko sa narinig subalit napalaki ang mga mata ko sa hindi ko inaasahang bubungad saakin.
"Ahh!"
Nanlalaki lamang ang mga mata kong napatitig sa isang babae na patuloy pinaghahampas yung lalaki hanggang sa mawalan na iyon ng malay.
'Kamukha...kamukha ko sya..'
"Cleress!!"
Binitawan nito ang hawak hawak na kahoy tsaka mabilis nakalapit saakin para mayakap ako.Hindi agad ako nakakilos sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang pagkagulat.
'Sya si...'
Mabilis ko itong naitulak nang mabalik ako sa ulirat kaya natumba ito..
"K-kathleen?" Baling ko sapagkat puwera sa kilala ko ang boses ay wala din na ibang nangangahas gayahin ang mukha ko kundi sya.
"B-buti..buti nakita na kita..a-ang saya ko.."Nakangiting usap nito at pilit na tumayo subalit merong kung ano sa kilos nito maging sa boses na parang..... nanghihina?
"A-anong..anong ginagawa mo dito?"
'Kasama ba nila sya?'
Subalit napansin ko na nakasuot ito ng hospital gown, bumaba sa tiyan nito ang tingin ko subalit napalaki ang mga mata ko ng makitang medyo malaki narin ang tiyan nito..
'Bvntis din sya?'
"Twinny—"
Napaatras ako at naikuyom ang mga kamao.
"A-anong..anong nangyari sayo?" May kung anong himig ng pag-aalala sa boses nito habang nakatitig saakin.
*Bang!*
"Ahh!"
Napatakip ako sa tenga ko at napatili din si Kathleen dahil sa narinig namin na mga putok ng baril di kalayuan.
'Si..si Azhi dun..'
"S-si Azhi.." Wala sa sariling usap ko.
"A-anong nangyayari Cleress?!"
*BANG!*
"Ahh!!"
"Over there!"
Pilit muli akong tumakbo at di ko na pinansin si Kathleen na sumunod din saakin.
YOU ARE READING
Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...