Blaze's POV
Ilang linggo na ang nakakalipas ay nakakagaanan ko na ng loob si Azrael at si Jethro. May ilan na rin akong kaibigan na babae dahil kay Azrael tulad nina Iris, Nicole, at Angela. Dahil ka-close na namin sina Azrael at nasama na siya minsan sa aming pagtambay kina Jonathan ay gumawa na nga ng group chat si Vince para naman hindi na raw siya mag-isa-isa sa pagchachat sa amin through private chat.
Natapos na rin ang exam week at may 1 week kaming sem-break. Nagyaya nga bigla si Vince na tumambay at s'yempre kasabay na rin ang paglalaro nang basketball. Hindi naman ako gaano maalam pero maganda naman ang accuracy ko sa shooting.
Halos lahat naman ay sumama ,maliban lang kay Jerome, at Gelo. Hindi ko lang din alam kung sasama si Azrael kasi nga hindi siya gaano nago-open ng group chat. Dahil gusto ko malaman kung sasama siya ay ako na ang-initiate na kausapin siya sa chat through private conversation.
Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin sa chat kasi naman wala pa kaming napag-uusapan. Nakakailang type na ako sa keyboard at nakakailang delete na rin.
Paano ko ba siya ia-approach?
Bigla akong nagulat nang bigla siyang nagchat.
"Bakit?" chat niya at sinundan pa nang "Kita kong typing ka sa laptop ko at kanina pa" dagdag aniya.
Bigla akong nahiya kasi siya na nagchat.
Paano ba mag-reply dito?
Bakit bigla akong nahiya?
"Ano par? On the way na ako sa bahay nina Jonathan. Sasama ka ba?" dagdag muli niya.
Hindi ko pa siya natatanong pero nasagot na niya ang katanungan ko kung sasama ba siya sa pagtambay kina Jonathan.
"Ah tatanungin lang sana kita kung sasama ka. Papunta ka na pala" reply ko sa kaniya.
"Ah, oo. Nag-pm sa akin si Vince. Malapit lang naman bahay namin kina Jonathan at pinayagan din ako ni Mama"
"Ah sige, ingat. Ligo lang ako tapos punta na ako diyan"
"Sige, ingat" huli niyang reply at nag-react na lang ako ng heart.
Agad naman akong bumangon sa higaan para makapag-prepare na. Kumain at naligo na rin. On the way na ako papunta kina Jonathan at ako na lang ata ang hinihintay. Pagbaba ko ng jeep sa tapat patungo kina Jonathan ay nakita ko si Azrael na bumibili sa tindahan.
"Par" tawag ko at bigla naman siyang lumingon.
"Oh Blaze, kararating mo lang?" bigla niyang tanong at tumango naman ako. "Nabili lang ako pampulutan para mamaya pero mamaya na raw bibili ng inumin" dagdag niya.
"Ano bang iinumin daw?" tanong ko.
"Hindi ko alam pero magb-basketball daw muna bago mag-inom tutal maaga pa naman"
"Overnight ba?"
"Hindi ko alam" sagot niya. "Salamat po" bigla niyang sabi sa nagtitinda habang bitbit niya ang mga pulutan para mamaya.
Nag-initiate ako na tulungan siya ay tumanggi siya.
"Kaya ko naman" saad niya.
Pero pinilit ko siya at pumayag naman din agad. Medyo marami siyang binili eh pati inumin like gatorade.
"Oo nga pala, Blaze. How's your exam?" tanong niya habang naglalakad kami patungo sa bahay nina Jonathan.
Medyo malayo kasi ang bahay nina Jonathan sa babaan ng jeep kaya need pa namin maglakad around 3 three to five minutes.
BINABASA MO ANG
Heartstrings High 1: 𝗧𝗥𝗨𝗧𝗛 𝗢𝗥 𝗗𝗔𝗥𝗘?
Ficção Adolescente🔹TAGALOG STORY The story's allure lies in its ability to seamlessly weave the threads of truth and resilience, crafting a narrative that transcends adversity. Its uniqueness stems from the empowering journey of self-discovery, inviting readers to d...