𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 8

6 1 0
                                    

Blaze's POV

Kinabukasan...

Maaga ako gumising upang ipaghanda ng breakfast si Azrael. Hindi ko alam kung bakit ko gagawin 'yon. Hinaplos ko naman ang katawan, noo, at leeg niya kung mainit pa, mabuti naman at bumalik na sa normal ang kaniyang temperatura.

Alas-sais ng umaga at nadatnan ko si Tita Agatha sa kusina habang nagtitimpla ng kape.

"Oh Blaze, ang aga mo gumising. Maaga ka ba pinapauwi sa inyo" nagtatakang tanong ni Tita.

"Ah hindi po. Ipaghahanda ko lang po sana si Azrael ng makakain niya" sagot ko.

"Nilalagnat pa ba?"

"Medyo okay na naman po siya"

"Marami ata kayong ininom eh"

"Kaunti lang naman po pero si Azrael po maraming ininom" paliwanag ko.

"Ay siya, magtimpla na ikaw ng kape o gatas at ako ay pupunta lang sa kapitbahay" huli niyang sambit at lumabas.

"Sige po" sagot ko.

Bumili ako ng pancit canton sa tindahan dahil ito ang madaling lutuin. Bumili na rin ako ng gatas kung saan doon ko pakukuluan ang canton para mas malasa kapag kinain ni Azrael. Nagdagdag na rin ako ng hotdog, itlog, at bacon para naman mas maraming siyang kainin pagkagising.

First time ko magluluto para sa ibang tao dahil kapag ako ang nagluluto sa bahay ay ako lang din naman ang kumakain. Agad ko namang inihanda ang mga lulutuin ko sa kusina at nagsimula nang magluto.

Matapos ang ilang minutong paghahanda ng almusal namin ni Azrael ay agad na akong nag-lagay sa plato at bowl upang ilagay na ang aking mga niluto. Pagtapos kong ilagay ay dadalhin ko na lang sa kwarto at baka tulog pa siya dahil sa maraming alak niyang ininom kahapon.

Pumasok na ako sa kwarto at tila gising na si Azrael. Nakatalukbong siya ng kumot at tila nag c-cellphone.

"Azrael" tawag ko habang nilalagay ko sa table ang mga pagkain.

Bigla siyang nagtanggal ng talukbong at tila nagtataka siya.

"Akala ko umuwi ka na?" tanong aniya.

"Hindi ko ugali nang umalis sa isang bahay na hindi nagpapaalam" sagot ko.

"P'wede ka naman magpaalam kay Mama kung pinapauwi ka na sa inyo. By the way, ano 'yan?" habang tinuturo niya ang nilapag kong pagkain sa table.

"Ah, niluto ko. Bumangon ka na diyan at sabay na tayo mag-almusal"

"Luto mo?"

"Oo"

"Eh wala kaming ganyan sa pantry. Don't tell me... bumili ka pa?" sabi niya habang bumabangon sa kama papalapit sa pagkain.

"Oo" sagot ko at bigla naman siyang umupo.

"Salamat nga pala kagabi" bigla niyang saad.

"Wala 'yon. Ikaw pa" nakangiti kong sabi.

"Ah oo nga pala...'yung nangyari kagabi..." bigla akong napalunok ng laway dahil sa kaba.

Naalala niya sigurong hinalikan niya ako.

"Ah, yung kagabi? Huwag kang mag-alala, hindi ko ipagsasabi kung uncomfortable ka" sabi ko habang nakangiti.

"Sorry na rin" sambit niya at sumubo ng pancit canton at ngumiti na lang ako.

Umupo na rin ako sa tabi niya at nagsimula nang mag-almusal kasama siya. Nagpatugtog na lang siya ng music habang kumakain kami.

Heartstrings High 1: 𝗧𝗥𝗨𝗧𝗛 𝗢𝗥 𝗗𝗔𝗥𝗘?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon